Third Person's POV
Hindi umuwi ang apat nang gabing iyun dahil may mahalaga silang ginawa
Kasalukuyan silang nasa basement ng Santillan's Company at mga piling tao lang din ang nakakaalam at nakakapasok dito
Agad inutusan nila ang mga body guards na mag bantay sa bahay kung nasaan si Laura ngayon
Malalim na ang gabi at hindi nila alam kung nag aalala ba si Laura sa kanila o Hindi. Alam nilang kinamumuhian sila nito ngunit baliw sila para hayaan na pakawalan ito, lalo pa ngayon at unti unti na nilang nakukuha ang tiwala ng babae nilang gusto
Walang ekspresyon silang tumingin nang pumasok ang tauhan nila na inutusan nila
"Who are you?! Fuck get off me!!" Nag wawalang turan nang isang lalaking naka piring ang mata at nakatali ang nga kamay
"Boss, ito na po ang pinapadukot nyo." Turan ng isang tauhan at pilit na pinaupo ang lalaki sa isang upuan at ginapos ito
"Sino ba kayo?!?! Pakawalan nyo ako!" Pilit paring kumakawala ang lalaki kahit na wala syang makita sa paligid nya, pero batid nyang napaka dami ditong tao
"Remove his blindfold." Walang emosyong turan ni Kiro sa tauhan nya at agad naman ito sinunod ng mga ito
Nang matanggal ang piring ng lalaki ay agad itong nangunot ang noo at nagalit nang makilala kung sino ang pakana ng lahat.
"Santillan's brothers?! Anong kailangan nyo saakin?" Mahinahon pero galit na turan nito
Ngumisi lang ang apat sa lalaki.
"Terrence Salvador, you should be fucking glad that you're still alive.""Anong kailangan nyo saakin! Bakit nyo ako dinakip!" Nanggigigil na turan nang lalaki sa mga ito
Ngunit ang apat ay parang demonyo na nakangisi lang sa kanya habang sya ay nahihirapan
Malayong malayo ito sa pag kakakilala ng mga tao dito bilang anak ng Mayor
Hindi akalain ni Terrence na may mga itinatagong sungay pala ang mga ito
"Know your fucking place Salvador. Pinakialaman mo ang pag mamay ari namin." Nakangising turan ni Jett
Agad nag taka si Terrence ngunit maya maya lang ay nakuha nya ang ibig sabihin nito
"Si Laura ba ang tinutukoy nyo? Asan sya ngayon?! Saan nyo sya dinala! You are all insane! Leave her alone!" Galit na turan ni Terrence
BINABASA MO ANG
The Santillans' Obsession (COMPLETED)
Romance[Not yet edited⚠️] Si Laura ay isang simpleng dalaga na naninirahan sa probinsya, sa bayan ng San Isidro. Siya ay lumaki sa bahay ampunan, kaya siya ay naging malapit sa simbahan na naging dahilan kung bakit minahal nya at piniling pag silbihan ang...