[Not yet edited⚠️]
Si Laura ay isang simpleng dalaga na naninirahan sa probinsya, sa bayan ng San Isidro. Siya ay lumaki sa bahay ampunan, kaya siya ay naging malapit sa simbahan na naging dahilan kung bakit minahal nya at piniling pag silbihan ang...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa magarang bintana
Teka? magarang bintana? Nasan ako!
Agad bumalik ang alaala ko sa mga nangyari kahapon at dahil don takot ang una kong naramdaman
Kinibnap ako ng baliw na apat na mag kakapatid!
Napansin ko pang may benda na ang napilayan kong paa dahil sa pag takas sa kanila
Agad akong tumayo hindi alintana ang sakit ng paa ko at binuksan ang pintuan ngunit naka lock ito
Siguradong ang apat na mag kakapatid ang gumawa nito!
Ano bang kailangan nila saakin? Bakit nila ako pinapahirapan ng ganito?
Idinikit ko ang tainga ko sa pinto upang pakinggan kung may tao sa labas ngunit wala ako marinig, napakatahimik sa labas
Kung ganon nasan ang magkakapatid na Santillan?
Agad kong inalis sa isipan ang apat at agad lumapit sa bintana
Muntik na ako mapasinghap ng makita ko ang labas ng silid kung nasaan ako
Isa itong masyon at nasa ikalawang palapag ako!
Paano ako makakatakas kung sarado ang pintuan at mataas ang babagsakan kung sa bintana naman ako dadaan
Huminga ako ng malalim dahil hindi ako makapag isip ng maayos, kinakabhan ako sa oras na dumating at makasalamuha ko ulit sila
Hindi ko kakayanin kung tatalon ako mula sa bintana dahil nasa 2nd floor ako! Baka mas lalong lumubha ang pilay ko sa paa
Wag muna ngayon, subukan mo silang plastikin Laura
Kumabog ng malakas ang puso ko nang may marinig akong yapak ng mga paa papunta sa direksyon ko
Agad akong sumampa sa kama at sumiksik sa dulo
Halos mabingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko, hindi ko na alam kung ligtas pa ba ako kasama sila
Naririnig kong pumihit ang sedura ng pinto at naramdaman kong pumasok silang apat
Kumalam ang sikmura ko nang may maamoy akong mabangong luto ng pag kain
Hindi pa pala ako nag hapunan kagabi dahil sa mga nangyayari, kaya pala pakiramdam ko wala akong lakas
"Glad you're awake, eat this baby to make you feel better." Seryosong turan ni Kiru, subalit kahit nagugutom ako hindi ako lumingon sa kanila
Pasyensya na po sa pag tanggi ng pagkain, patawad po pero hindi ko kayang kumain nang nasa harapan ko sila
"Laura." Bumilis ang tibok ng puso ko ng banggitin ni Rho ang pangalan ko, may halo iyung pag babanta