[Not yet edited⚠️]
Si Laura ay isang simpleng dalaga na naninirahan sa probinsya, sa bayan ng San Isidro. Siya ay lumaki sa bahay ampunan, kaya siya ay naging malapit sa simbahan na naging dahilan kung bakit minahal nya at piniling pag silbihan ang...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SIMULA nang nangyari saming apat, mas lalo akong natakot sa mga kaya nilang gawin saakin
Magmula nun, sinusunod ko kaagad ang gusto nila at nagpapasalamat ako dahil hindi sila inaabutan ng kabaliwan nila
Halos panunuod, pag babasa ng mga libro, pag lilinis, pag tititig lang ang ginagawa ko buong araw. Hindi pa din ako pwede sa ibang parte ng mansyon, tanging sa kwarto lang na ito at sa kusina nila ako pinapayagan na lumabas.
Wala naman ako magagawa dahil ayokong galitin ang apat
Nakakatakot silang galitin, lumalabas ang pagkabaliw nila, na ayaw ko nang mangyari ulit
Napabuntong hininga ako bago tumayo at sumilip sa bintana
Napaka ganda pag masdan ng paligid.
Maaliwalas at tila walang problema
Kumpara sa akin, sa nararamdaman ko.
Kamusta na kaya sila Sister Lourdes? Si Gema? Nag tagumpay na kaya ang misyon nila?
Isa na ba syang ganap na madre?
Napangiti ako sa naisip ko, pangarap ko rin iyun.
Pangarap kong maging madre at habang buhay iaalay at mamahalin ang kumbento
Pero hanggang pangarap na lamang iyun
Dahil sa ginawa ng apat, tiyak wala na akong lugar para sa pag mamadre
Hindi na ako kasing dalisay tulad ng iba, hindi na ako nararapat pa na maging madre dahil makasalanan na ako
Ito ba ang tadhana ko? Nais ko lamang maging madre, wala akong ibang pangarap kundi mahalin ang kumbento habang akoy nabubuhay
Sabi nga lahat may rason kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay
Kung ganon anong rason bakit ako nandito at nahihirapan? Nalilito?
Pinadala ba ako sa apat, upang gumabay at gabayan sila sa hindi tamang pag iisip?
Ngunit bakit ganon, sa halip na ako ang gumabay. Natutukso din ako sa ginagawa nila
Muli akong tumingin sa nag aagaw dilim at liwanag na nanggagaling sa sinag ng araw
Napakaganda nito pag masdan, sana kasing ganda at payapa din katulad nito ang isip at puso ko
Dahil Diyos ko, patawad po ngunit nararamdaman ko kunti na lang bibigay na ako sa mga ginagawa nila.