Nag aagaw dilim na ng makarating ako sa Probinsya, hindi ko alam kung saan itong lugar.
Dito ako dinala ng traydor na tauhan ng apat, na si Boyet
Pagkatapos nya ako maihatid dito ay agad din syang umalis.Humigpit ang hawak ko sa dala kong bag dahil sa kaba.
Paano ako ngayon? Paano na ang anak ko?
Tumingala ako at nakita ko ang nag kukulay kahel na kalangitan
Kay ganda lang pag masdan, napangiti ako ng mapait at hinaplos ang tiyan
Diyos ko, kayo na po ang bahala sakin at sa anak ko
Umiling ako at pinilit kong wag isipin muna ang mga problema, mas kailangan kong isipin ngayon kung saan ako tutuloy at kung saan hahanap ng trabaho
Sanay naman ako sa mga gawaing bahay, pagiging katulong yata ay kaya kong gawin.
Kaya lang iniisip ko ang anak ko sa loob ng tyan ko, baka maapektuhan ito.
Hays
Tumalikod ako at muling nag lakad kahit di ko alam kung saan ako pupunta ngayon
Ngunit napatigil ako nang may maaninaw ako sa di kalayuan na matandang nahulog ang mga dalang prutas
Agad akong lumapit sa kanya at tinulungan sya sa kanyang dala
"Lola? Ayos lang po ba kayo?" Tanong ko habang tinutulungan sya mag ayos ng mga dala nya
Nagulat pa ito at kinalaunan ay nginitian ako
"Ayos lamang apo, tumatanda na hindi na maiwasan lumambot ang mga kasu-kasuan." Ngiting turan ng matanda
Pag katapos ko syang tulungan maiayos ang dala nya at saglit nya akong tiningnan ng matagal
Napakurap kurap ako dahil antagal nya saking nakatitig
"Hija? Ikaw ba ay nag layas sa inyo?" Nag aalala nyang tanong
Napayuko ako dahil mahirap ipaliwanag kung saan ako nang galing at kung anong nangyari sakin, kung bakit ako nandito ngayon sa lugar nila
"H-hindi po." Mahina kong sambit
Halos bumaliktad ang sikmura ko nang makaamoy ako ng nag iihaw
Agad akong napahawak sa tyan ko at tumakbo sa gilid, malapit sa pader kung saan pwede sumuka
Hiningal ako dahil don, ambilis ng tibok ng puso ko
Nakakasuka ang amoy ng barbeque!
Kumuha ako ng panyo at itinakip sa ilong ko upang di ko maamoy ang nag iihaw malapit lang kung saan ako naka pwesto,
Anak? Ayaw mo nun? E paborito yun ni mama dati e.
Pero sige kung ayaw mo, tatakpan natin ang ilong ni mamaNakangiti kong inayos ang panyo na naka takip sa ilong ko para di ko maamoy.
"Buntis ka."
Napalingon ako sa gulat nang makita ko ang matanda kanina
Yumuko ako at tumango
"Ganon ba, mukhang bago kalang dito Hija. May matutuluyan ka ba?" Tingin nya sa dala dala kong bag
Tumingin ako sa kanya at nakita ko na may pag aalala na dumaan sa mga mata nya
Yumuko ulit ako at tumango
"Kung ganon sumama ka saakin, malaya kang tumuloy sa tahanan ko tutal mag isa na lang din naman ako sa buhay." Naka ngiti nyang turan
BINABASA MO ANG
The Santillans' Obsession (COMPLETED)
Romance[Not yet edited⚠️] Si Laura ay isang simpleng dalaga na naninirahan sa probinsya, sa bayan ng San Isidro. Siya ay lumaki sa bahay ampunan, kaya siya ay naging malapit sa simbahan na naging dahilan kung bakit minahal nya at piniling pag silbihan ang...