CHAPTER 2

547 44 3
                                    

NEGLECTED WIFE 2

ATTENTION⚠️⚠️⚠️

Maraming maling gramatika at spelling kaya please lang sa mga perfectionist dito ay iwanan niyo nalang ang book na ito. Libre lang po' ito kaya kaunting respect naman sa mga salitang bibitawan. Walang pilitan po' tayo rito.

            ➿➿➿➿➿➿➿➿

I know I am the worst person. Worst? Dahil ako ang reason sa kung bakit napahamak ang anak ko.   Hindi ko na-protektahan ang anak ko. Bilang isang Ina ay hindi ko nagawang gampanan ang tungkulin ko sa kanya. Hindi ako naging matibay, naging talonan ako at hinayaan na mapahamak ang anak ko. Wala akong nagawa. At ngayon muling nagbalik ako. Sisiguradin kong po-protektahan ko ang batang nasa sinapupunan ko.

"Anak, Hinding-hindi hahayaan ni Mommy ang mapahamak ka. Ibibigay ko ang lahat-lahat maprotektahan lamang kita, kahit ang Ama mo pa."

Hindi ko napigilan ang malayang pagpatak ng aking mga luha sa  aking pisngi. Damang-dama ko ang mapait na pagdaloy ng mga luhang parang dumadaloy patungo sa kailaliman ng aking puso.

Tandang-tanda ko pa sa kung paano ko isilang ang batang itong nasa sinapupunan ko. Tandang-tanda ko pa ang walang kaemo-emosyon na mga mata ng husband ko habang nakatitig sa sanggol na yakap ko. Mababanaag ang disgusto sa buong mukha taliwas sa kaligayahang sumilay sa mukha ng Ama nitong si Arthur Chivaree. Kung pakakaisipin ng  iba ay marahil maraming maghihinuha sa kung sino nga  ba sa dalawang lalake ang Ama ng anak kong ito.

Bakit nagkaganito ang pagsasama naming dalawa? Ang dating pag-ibig ko sa kanya ay tuluyan nang nabalot ng matinding pait at galit.

"Po-protektahan kita kahit pa sa Ama mo."
Hindi pa nila nalalaman na buntis ako. At dahil nga nagbalik ako sa nakaraang buhay ko. Alam na alam ko na nagdadalang-tao ako. Hindi madaling magbuntis ang isang Gher o Carrier na gaya ko. Masilan ang aming pangangatawan. Hindi tulad ng isang normal na babaeng buntis. Ang Gher ay nararanasan rin ang ilan sa mga sintomas na tulad sa isang normal na pagbubuntis ngunit dahil maliit ang bahay-bata sa aming katawan. Kinailangan ng higit na masusing pag-iingat ang aming gawin. Ito ang sanhi upang iwanan at pandirihan kami ng ilan.
At dahil sa kadahilanan na'to muntikan ng mapahawak ang buhay ko kasama ng anak ko. At sa araw ding ito magaganap ang malaking paghihirap sa buhay ko.

"Master Winston, hinahanap na  ho, kayo ng Senyora. " Mahinahon ang boses ng babaeng tumawag sa akin pero damang-dama ko ang mabigat sa loob nito ang  paggalang sa akin.
Nasabi ko na bang ayaw sa akin ng lahat dito? Maging ang nagtatrabaho mansion na ito ay kinamumuhian ako. Bakit? Dahil isa akong nakapandidiring nilalang na kumapit sa isang tulad ng husband ko. Sa una ay pinipigilan ni Cedric ang lahat ng ito. Ngunit nang lumaon ay damang-dama ko na ang panlalamig nito. Doon na nagsimula ang malaking bangongot ng buhay ko.

Alam ko na ang maaring maganap sa araw na ito. Iiwasan ko ba o susunod ako sa pangyayari? Mataman kong pinagmamasdan ang babaeng kasambahay na nasa harapan ko. May ngiti sa labing nakatitig ito sa akin ngunit kung titigan mo nang mabuti ang kanyang mga mata. Makakita ka ng malaking pandidiri sa kanyang mga mata.

"Ito nga ho, pala ang damit na gagamitin niyo. Ayon na rin sa Senyora, kinakailangan na nasa baba ka na dahil marami na ang paparating na bisita. Pabalik na rin ang Young Master Cedric."

Mataman kong pinakatitigan nang mabuti ang magarang kasuotan na ibinigay sa akin ng kasambahay nina Cedric. Ang damit na ito ang sanhi sa naging malaking kahihiyan ko sa araw na iyon. Walang reklamo na sinuot ko noon ang kasuotan na ito. Ngunit hindi ko inaasahan na  habang nakapaloob ito sa katawan ko at sa harapan ng mga bisita ay makadama ako ng paghihirap sa paghinga. Damang-dama ko ang pag-iinit ng katawan at ang bumalot na kakaibang bagay na tuluyan nang naglalayag sa aking balat.

Neglected Wife (Reborn BL) BOYSLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon