ANG PAGPAPATULOY
Sa loob ng Chivaree Mansion. Matamang sinubaybayan ni Winston ang bawat kilos ng half-sister nitong si Alexandria. Kasalukuyan itong kausap nito ang isang babaeng kasambahay bago iniwan sa mga kamay ng nasabing kasambahay ang dala nitong mamahaling bag na para sana ay sa Ina ni Cedric nang biglang tumunog ang Cellphone nito. Kitang-kita niya sa kung paano nakangiting kinuha ng dalaga ang Cellphone nito bago mabilis na nagbago ang expression ng mukha nang napagtanto sa kung sino ang may-ari ng tawag.
At sa pagkakataon rin nayon ay mabilis na napukaw ang atensyon ni Winston nang nasilayan ang pagkayamot sa mga mata ng dalagang kapatid bago magpaalam sa nasabing kasambahay at binagtas ang palabas ng Mansion ng tila ba ay nababalot ng mabigat na aura ang buong katawan nito.
Bakit parang may kakaiba kay Alexandria? Kung ganoon ay sino kaya ang may-ari ng tawag na ito para magkaroon ng ganitong kabigat na pagkayamot ang buong magandang mukha nito?
Nang dahil doon ay mabilis at sekretong sinundan ni Winston ang dalaga kahit sa kabila ng mabilis na pagtibok ng puso niya.
"Papunta na ako riyan, okay?"impit at baka ang pagkaubos ng pasensya sa mukha sanhi upang higit na mag-umapaw sa puso ni Winston ang pagnanais na sundan ito.
"Win-win? May problema ba?" Siyang takang tanong naman nina Terence at Danica sa kabilang linya nang marinig ang marahas na pagsinghap ni Winston.
"May kaunting pagbabago sa plano."tugon ni Winston sa mga ito.
Ang plano ay magtutungo si Winston sa lugar na kung saan ang kinaroroonan ng babaeng anak sa labas ni Marie Chivaree ngunit nang masilayan ang makulay na emosyon sa mukha ng kapatid.Nagbago ang kaniyang isipan.Kinakailangan niya munang malaman sa kung ang dahilan ng matinding galit ng kapatid!Mabilis na sinundan ni Winston ang papalayong sasakyan ng kapatid na si Alexandria habang sa kabilang linya naman ay patuloy ang pakikipag-ugnayan ni Terence at Danica sa kaniya.
"Win-win,mag-iingat ka."may bahid ng pag-aalala sa tinig ng dalawa bagay na naghatid ng ngiti at tamis sa puso ni Winston.
"Alam ko Terence, Danica. Maraming salamat sa pag-aalala. Kamusta naman ang kinaroroonan ng Ina ni Cedric." Isang mapang-asar na tawa muna ang pinakawalan ng lalakeng kaibigan bago magsalita.
"Sa ngayon ay kasalukuyan parin itong nakikipag-usap sa mga kaibigan nito ngunit may mangilan-ngilan ng pagbabago sa taong pinagkakatiwalaan nito at ito ang ninanais naming alamin."
"Mabuti naman kung ganoon at..."
Hindi na nagawang matapos ni Winston ang kaniyang sinasabi nang biglang mahagip ng kaniyang mga mata ang mabilis na pagbaba ni Alexandria sa sariling sasakyan nito at mga ilang sandali lang ay isang hindi nakikilang lalake ang lumapit rito. At sa kaniyang nakikita ay tila ba may kung anong mabigat na tension ang namamagitan sa dalawa. Galit ang mga matang hinarap ni Alexandria ang lalakeng kausap nito bago marahas at walang alinlangan na hinila papasok sa isang building bago magpalingalinga sa paligid na waring sinisipat ang paligid.
Nang dahil dito ay nanaig ang kuryusidad ni Winston na siyang sanhi upang walang alinlangan rin siyang bumababa ng kaniyang sasakyan at maingat na sinyasat ang paligid at sumunod sa mga ito. Hindi niya maaring pakawalan ang pagkakataon na ito. Sa ngayon ay nahihinuha niyang may malaking impormasyon siyang makukuha sa mga oras na ito.
"Terence, Danica...huwag ninyong ilalayo ang mga mata sa Ina ni Cedric. Sa ngayon ay nahihinuha kong may magandang importanteng impormasyon akong mahahagilap sa mga palad ng half-sister ko. Balikan ko kayo."saad ni Winston bago walang alinlangan na kumilos.
BINABASA MO ANG
Neglected Wife (Reborn BL) BOYSLOVE
FanfictionGood evening everyone... Let me share sa isang book na ito guy's. Title: THE NEGLECTED WIFE BRIGHTWIN FANFIC Buong buhay ni Winston Metawin ay punong-puno ng kalungkotan at matinding pagsisisi. Magmula nang siya ay isinilang tanging kaapihan ang kan...