Consequences

431 33 8
                                    

NEGLECTED WIFE

~~~~~*******~~~~~

Matamang pinagmasdan ni Alexandria ang papalayong anino ng half-brother niya, mababanaag rin ang nag-uumapaw na tuwa at excitement sa mga mata ng babae.

Mangyayari na ang mga plano niya!

Magagawa narin niyang masira ang Gher brother niya at maagaw narin ang husband nito!

Isipin palang ang katuparan ng pangarap niyang maikasal kay Cedric Chivaree. Walang pagsidlan na ang mga emosyong nagsisimulang bumalot sa kaniyang dibdib. Sa mga oras na iyon, hindi na rin maitago ang ngiting mabilis na sumilay sa kaniyang labi. Kasalungat ng kaligayahan na nararamdaman ng dalaga. Maaninag ang pag-aalala at pagkabahala sa mga mata ng Ina ni Cedric Chivaree. Makikita ang pagkabalisa ng mga mata nito, at kapansin-pansin rin ang panginginig ng mga kamay ni Mrs. Chivaree, na siyang ikinairita ng dalagang si Alexandria.

"Alexandria... Sa tingin ko ay..."

"Kalma lang Tita, magiging okay rin ang lahat." May ngiting pilit na tugon ni Alexandria sa mismong Ina ng lalakeng ninais niyang makasama. Sa totoo lang ay naiirita na siya sa ikinikilos ng Ina ni Cedric, kung hindi lang ito ang babaeng nagsilang sa lalakeng ninanais niyang pakasalan. Matagal na niyang nasampal ng kahihiyan ang may katandaang babaeng nasa tabi niya.

"Alexandria. Hindi iyan ang ibig kong sabihin."

Darn it!

Sa pagkakataon na ito ay hindi na magawang pigilan ni Ms. Alexandria Metawin ang pagnanais na sigawan ng pagkairita si Mrs. Chivaree dahil sa unti-unti na talagang nauubos ang kaniyang pasensiya rito. Hindi ba nito nararamdaman ang mga matang nakatitig sa kanilang direksiyon? Hindi ba na namamalayan ng Ina ni Cedric panakanakang sulyap sa direksiyon nila ng mismong asawa nito? For Pete's sake! Hindi ba nahahalata ng bruha ang kakaiba sa mga ikinikilos nito? Sa puntong ito ay hindi na talaga maiwasan ni Alexandria ang pagkairitang dahan-dahang bumabalot sa kaniyang puso. Kapag magpakasal siya Kay Cedric sisiguraduhin niyang mawawala sa landas niya ang babaeng hukluban na'to!

Lalong nag-uumapaw ang hindi mawaring mga emosyon sa mukha ni Alexandria dahil narin sa hindi maipaliwanag na kakaibang nangyayari sa katawan niya. Bagay na hindi binibigyang pansin ng dalaga. Nanatiling nakatuon ang atensyon niya sa mga plano niya. Matagal niyang pinag-isipan ito, kaya't hindi niya mapapayagan ang kahit maliit na bagay na maaring makasagabal sa mga plano niya, kahit itong Ina pa ng lalakeng pakakasalan niya!

Sa side naman ni Mrs. Chivaree. Hindi niya maiwasan ang mabahala sa ikinikilos ng dalagang si Alexandria. Makikita narin ang malaking pagbabago sa katawan nito, makikita ang pamumula ng mukha nito na tinatahak hanggang ang balikat nito, kapansin-pansin narin ang maliliit na butil-butil ng pawis sa noo ng dalaga at sa malalalim na mga pagsinghap nito. Kapansin-pansin narin ang Pakiramdam ng Ina ni. Cedric ay may kakaibang karamdaman ang ngayon ay nararanasan ang dalaga. Makikita rin ang malapad at nakatatakot na tuwa sa mga mata ni Alexandria, na siyang naghahatid ng kakaibang takot rin sa puso ni Mrs. Chivaree.

Ngunit bago pa man niya maibuka ang labi para paalalahanan ang dalagang katabi niya. Tinig ng asawang si Mr. Chivaree ang mabilis na pumukaw sa atensyon nila.

"May karamdaman ka ba hija?"

Sa mga oras na ito. Pakiramdam ni Alexandria ay parang isang manipis na sinulid na nagbabadyang maputol ang kaniyang pasensiya. Pagkairita ang marahas na bumabalot sa kaniyang dibdib sa mga katanongan na ipinupukol sa kaniya ng mismong parents ni Cedric.

"Ayos lang ho' Ako Tito" Malapad pa rin ang ngiting tugon ni Alexandria at pilit na nilalabanan ang ngayon ay kapansin-pansin ng kakaibang pag-iinit ng katawan niya. Maging siya ay bahagyang napaangat ang kilay sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.

Neglected Wife (Reborn BL) BOYSLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon