21

651 40 8
                                    


NEGLECTED WIFE 21

~Winston~

"Wala kaming relasyon ni Alexandria. Tanging si Winston lamang ang male wife na nagmamay-ari sa akin at wala ng iba pa."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko. Imbes na makadama ng tuwa ay matinding takot ang bumalot sa puso ko, sanhi upang bahagyang mapaatras ako sa kinatatayuan ko.

Nope! Hinding-hindi ako maaaring makitaan ng kaunting pagbabago sa expression ng mukha ko. Kung kaya ay dali-daling napayuko at magalang na nag-iwas ng paningin at umarte na parang nababalot ng pag-aalala. Hindi ba't iyon naman ang dapat na gawin ko sa mga oras na ito? Ako ang wife ni Cedric at kapatid ko si Alexandria. Ang isipin na may relasyon ang dalawa ay masasaktan ako diba? Ito ang dapat na makita sa akin ng dalawang pamilya maliban nalang kay Cedric dahil alam kong tuso at alerto ang utak nito, nababatid kong pinag-aaralan na nito ngayon ang bawat kilos at mga emosyon ko.

'Be Careful, Ger'

Fck! Muling nanumbalik na naman sa akin ang mga salitang iyon. Ngayon ay higit kong nauunawaan na tama ang sanabi sa akin ng taong iyon lalo pa't isang Cedric Chivaree ang kalaban ko. Matalino, Tuso, and Halimaw! Alang-alang sa relationship nito kay Alexandria at sa respeto nito sa Ina, magagawa nitong burahin ang lahat-lahat ng mga sagabal sa kanila.

Sino pa nga ulit ang pangalan ng lalakeng iyon? Maaari ko kayang hingin ang tulong nito? Pero, imposible yata ang naiisip ko dahil parte parin ang taong iyon ng Chivaree Family.

Wala sa sariling nailapat ko ang aking palad sa aking tiyan sa pag-aalala para sa batang nasa sinapupunan ko. Kaunting pagkakamali lamang ay paniguradong pagkatalo ang kahahantongan ng mga plano ko. Kung may magsasabi sa akin ngayon na walang katuturan itong iniisip ko at hindi magagawa ni Cedric ang saktan ako at ang anak kong si Little Zed dahil sa may pagmamahal parin sa akin ito. Paniguradong pagtatawanan ko lamang ito.

"Don't worry, Dad. Aayosin ko ang lahat ng ito."

"Paano niyo naman aayosin ito? Nakasalalay dito ang dangal ng anak kong si Alexandria! Hinding-hindi ko mapapayagan na basta-basta ganun nalang masira ang pangalan ng anak ko!" Natatarantang sabi ng Ama ni Alexandria na siyang naghatid ng panginginig sa buong katawan ng dalaga. Yes, Ama ni Alexandria dahil hindi ko itinuturing na Ama ang lalakeng ito. Bagkus ko ay kinamumuhian ko ang tulad niya.

"Dad... Please help me... Sirang-sira na ngayon ang pangalan ko. Ano nalang ang sasabihin sa akin ng mga kaibigan ko? Ano nalang ang magiging tingin sa akin ng mga Tao? Nakakahiya Daddy~~" humagulgol nitong sabi bago mabilis na yumakap sa katabi nitong Ina na siyang agad rin namang yumakap sa dalaga at tumangis ng nakakairitang pagtangis, sanhi upang lalong mag-umigting ang galit sa mga mata ni Mr. Chivaree.

"Husband, kawawa naman ang anak nating si Alexandria, nawasak ang pangalan niya. Paano na siya haharap sa mga kaibigan at nakakikilala sa kaniya? Anong mukha Ang maihaharap niya sa mga tao? Paano na ang kinabukasan ng anak natin. Babae siya! Babae at sirang-sira na ang Puri at dangal niya. Ano ang gagawin natin?"

Hindi ko tuloy malaman kung matatawa ba o mahihiya sa kakapalan ng mga mukha ng mag-inang ito. Sino bang nararapat sisihin dito maliban sa kanila? Ang labanang ito ay 'Ako' o 'Ikaw' dahil kung hindi ako naging mabilis kumilis, marahil ay ako ngayon ang nasa ganitong sitwasyon bagay na naghatid ng mabigat na pakiramdam sa aking dibdib. Nagngingitngit sa galit at poot ang puso ko, pero pilit kong pinipigilan ito kahit na nagwawala galit itong dibdib ko hindi maaari, dahil alam kong hindi pa ito ang tamang panahon at oras.

Ngunit kapag dumating ang oras at araw na yaon.
Humanda kayo, sisiguraduhin kong isa-isa ninyong mararanasan ang mga paghihirap na naranasan namin ng anak kong si Little Zed!

Neglected Wife (Reborn BL) BOYSLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon