CHAPTER 3

471 47 1
                                        

NEGLECTED WIFE 3

A/N: Please respect my work. I don't tolerate readers who're commenting or comparing my stories to some known stories. If you find some similar scenes in my stories to the others, it is all purely coincidental. I prefer to rely on my own imagination and creativity. If you're a perfectionist, then feel free to leave this story or book, because I write with flaws and not with perfection. Expect typos, grammatical errors, and whatnot. You can leave a comment or message in the nicest way possible. I'd like to know where I should enhance myself in writing. It'll be a big help for me. Thank you.

Enjoy reading.

➿➿➿➿➿➿➿

"Baby? Susuotin ba ito ni Mama?" Nag-aalalangang napatitig si Winston sa damit na hawak niya bago marahan na humarap sa salamin. Hanggang sa isang idea ang pumasok sa isip niya.

Bahala na si Batman sa mangyayari sa araw na ito. Ngunit isang bagay lang ang maipapangako ko. Hinding-hindi magtatagumpay ang mga taong ito.

➰➿➰➿➰

Matagal na nakatayo sa labas ng pinto si Winston at walang emosyon na mahahagilap sa mga mata nito. Sa mga oras na ito ay nalalaman na niya ang maaring mangyari. Bibigyan ng kahihiyan ng sariling kapatid sa mismong harapan ng Chivaree family. Pagtawanan ng lahat at kamumuhian ng magulang ng husband niya. Ilan lamang ito sa mga bagay na naranasan ni Winston bago mangyari ang masalimoot na kaganapan ng buhay niya.

Pikit ang mga matang pilit niyang ininda ang mga emosyong nagsimulang bumaon sa kanyang puso. Ang mga ala-alang para bang matutulog na bagay na winawaksi ang kanyang dibdib. Nanginginig ang mga palad na marahan niyang naidampi ang palad sa kanyang tiyan at mula rito ay damang-dama niya ang maliit na buhay na naninirahan sa kanyang katawan.

Ang baby niya...

Ang batang kinuha sa kanya. Ang inosenteng bata na pinagkaitang mabuhay ng mga halimaw na nilalang na nasa paligid niya.
Sa pagkakataong ito ay mapangalagaan niya ang batang nasa sinapupunan niya.

Marahan at determinadong pinakatitigan niya ang pinto bago marahang pumasok rito.

Oras na para harapin ang mga taong dahilan ng kamatayan niya at ng anak niya.

➰****************➰

"Dumating ka pa? Ang buong akala ko ay mamumuhay reyna ka na rito at kalilimotang may mga kinakailangan kang gawin para sa pamilyang ito?" Mariing turan ng Ina ni Cedric habang nakatingin sa kaniya.
Mababanaag ang galit at pagkairita sa tinig nito.

Alam ni Winston na hindi siya gusto ni Mrs. Chivaree, kaya hindi siya tumugon. Ngumiti lang si Winston sa ibang bisita. Tahimik siyang naglakad at tumawag ng, "Madam."

Ayaw man ni Mrs. Marie Chivaree sa nasabing gher, ngunit nasa publiko pa rin sila kung kaya ay pilit niyang pinigilan ang kanyang kawalang-kasiyahan bago tumango nang walang anumang ekspresyon.

"Tita, happy birthday!"

Marahang napabaling si Winston sa paligid. At gaya nga nang nangyari sa naunang buhay niya. Nakangiting nakatayo sa pinto ang babaeng sumira sa buhay niya. Ang babaeng pumatay sa anak niya at ang babaeng kapatid niya.

Nakita ng lahat si Alexandria na may hawak na malaking kahon. Napakaganda ni Alexandria. Yung kilay niya
ay maganda ang hugis, at ang kanyang mga mata ay tila ba kumikislap na tulad sa isang bituin . Sa cute na ilong at maliit na hugis ng mukha, para itong manika.

Nang makita ni Mrs. Marie Chivaree ang magandang babaeng palapit sa kanya, mabilis na nagbago ang expression sa mukha nito. Ang kaninang mabigat na mga emosyon sa kanyang mga mata, mabilis na napalitan ng ngiti at kasiyahan.

Neglected Wife (Reborn BL) BOYSLOVEWhere stories live. Discover now