THE NEGLECTED WIFE
"Mr. Cedric Chivaree, let's get a divorce."
~*~
"Cedric!"
Magkasabay na tawag ng dalawang babae sa lalakeng papasok sa pinto.
Gaano man kabilis ang pagtibok ng puso ni Winston ay mas pinili niyang patatagin ang sarili at pikit-matang suminghap nang malalim para maitago ang sakit na dahan-dahang sumasakop sa kanyang puso.Ang lalakeng ito. Ang ex-husband niya. Ang isa sa mga taong nanakit at sumira sa buhay nila ng anak niya. Pakiramdam niya ay anomang oras maaring sumabog sa galit ang kanyang dibdib. Magkahalong emosyon ang sa ngayon ay nag-umapaw sa kanya. Ang pagmamahal na dati-rating binuo tila ba ay isa nalang masamang panaginip o bangongot na kinatatakutan niya.
Tama, wala na ang pagmamahal sa nasabing asawa.
"Tita, naririto na si Cedric natin." Nakangiting saad ni Alexandria bago marahang humakbang para salubungin ang lalake.
Kung iyong pagmamasdan ay iisipin mong ito ang tunay o legal na asawa sa gawi ng pagsalubong nito kay Cedric. Habang malapad naman ang ngiti ng Ina nito at waring tuwang-tuwa na makita ang magandang emahe sa harapan nila.
Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Winston. Ngayong nakikita ng kanyang mismong mga mata ang masayang relasyon ng tatlo. Isang katotohanan ang kanyang napagtanto, napakatanga niya sa previous life niya para hindi ito makita.
Habang masayang nag-uusap ang tatlo. Nababalot naman ng katahimikan ang paligid. Ang lalakeng kanina lang ay tumulong kay Winston ngayon ay nakakunot ang noo na nakatitig sa direksiyon niya.
Si Winston ang legal, pero kung makaangkla ang babae ay siya na ang nagmukhang asawa sa mga mata ng nakakakilala.
"Excuse me, Mr. Chivaree?"
Gulat at nagtatakang napabaling ang lahat sa lalakeng nagsalita. Agad rin namang napakunot ang noo ni Cedric nang mapagtanto kung sino ito. Ang lalakeng ito ay ang isa sa mga kilalang tao sa mundong kinabibilangan niya; ang mundo ng business world. Ang binatang ito ang masasabing isa sa mga kalaban niya.
"Nais ko munang magpakikilala sa inyong lahat. Ako nga pala si Ivan Monteverdi. Ikinagagalak kong makilala ang kaisa-isang anak ng Chivaree family."
Magkakasunod na bulungan ang maririnig sa paligid. Malapad naman ang ngiting humarap si Marie Chivaree sa anak nitong si Cedric bago masuyong hinaplos ang leeg nito.
"Cedric, Siya ang fiance ng pinsan mong si Casey."
"Fiance?"
Nakaangat parin ang kilay ni Cedric at maaninag sa mga mata nito ang mabigat na aurang bumalot dito.Sa puntong iyon, muling nanumbalik ang mapapait na alaala sa isipan ni Winston. Ang makitang ganito ang expression sa mga mata ng ex-husband niya, ay nagbigay ng takot sa puso niya.
"Tita, dahil nandito na si Cedric, mabuting kalimotan nalang po natin ang mga nangyari. Let's enjoy the celebration, shall we?"
Nakangiting sabi ni Alexandria bago marahang hinawakan ang braso ng lalake at iginiya sa upuaang malapit sa kanya."Kalimotan?" Isang sarkastikong ngiti ang sumilay sa labi ni Winston bago magpatuloy habang nakatuon ang atensyon sa mga taong naroroon. "Bilang asawa ni Cedric at bahagi narin ng pamilya ng husband ko. Hahayaan ko lang ba ang katotohanang nagsinungaling ang sariling kapatid ko sa Chivaree family? Kapatid ko siya at parehong Metawin ang aming pinagmulan. Ano nalang ang iisipin at sasabihin ng iba kapag nalaman ng lahat na nagbigay ng fake ang sariling kadugo ko lalo pa't dala-dala ko ngayon ang Apelyedo ng husband kong si Cedric Chivaree?"
BINABASA MO ANG
Neglected Wife (Reborn BL) BOYSLOVE
FanfictionGood evening everyone... Let me share sa isang book na ito guy's. Title: THE NEGLECTED WIFE BRIGHTWIN FANFIC Buong buhay ni Winston Metawin ay punong-puno ng kalungkotan at matinding pagsisisi. Magmula nang siya ay isinilang tanging kaapihan ang kan...