Neglected wife
A/N: para maintindihan ng ilan ang book na'to. May ilang chapters na babalikan natin ang previous life ni Winston. Dito ko ipaliliwanang ang nangyari pagkatapos ng pagkamatay ni Winston sa naunang buhay niya.
Enjoy reading.
*PREVIOUS LIFE*
Isang lalake ang ngayon ay matamang nakatitig sa isang walang buhay na katawan ng isang Gher. Mababanaag sa mukha nito ang awa at pagsisisi. Pagsisisi sa kung bakit huli na niyang napag-alaman ang nangyari sa Gher na tumulong sa kanila ng Wife niya.
Malungkot ang mga matang ibinaling nito ang paningin sa isa pang katawan na walang buhay. Katawan ng isang bata na nasa Limang-Taong gulang. Walang pagsidlan naman ang mga luhang bumubuhos sa mga mata ng babaeng nasa tabi niya. Kitang-kita sa mukha nito ang matinding kalungkotan na sinapit ng taong minsan rin ay naging dahilan ng kaligtasan niya at ng anak nila. Maaring hindi siya natatandaan ng Gher dahil aksidente lamang ang pagtatama ng kanilang mga landas.
Tandang-tanda pa ng babae sa kung paano lumapit sa kaniya ang gher na nagngangalang Winston Metawin. Tama ang Gher na nasa harapan nila ay si Winston Metawin, at ang batang katabi nito ay ang anak nitong si Little Zed, Zed Sky Metawin. Kung hindi dahil sa Gher na ito marahil ay matagal nang nawala sa kanila ang kanilang panganay. Noong araw na iyon ay hindi niya inaasahan na iyon na pala ang araw na magsilang siya. Sa gitna ng daan at sa harapan ng maraming tao. Tanging si Winston Metawin lamang ang naglakas-loob na tulungan at dalhin siya sa hospital. Bagay na malaking pasasalamat nila ng kaniyang asawa. At sa araw rin na iyon ay nalaman niya na si Winston rin pala ang Gher wife ng cousin niyang si Cedric Chivaree.
Nalalaman rin niya ang tunay na kalagayan ng Gher na ito sa buhay ng Chivaree family. Alam niya sa kung paano balewalain at kung gaano maliitin ng pamilyang ito ang kawawang Gher. Bagkos ay mas higit na nakatataas ang posisyon ng kapatid nitong si Alexandria dahil ang babae ang itinuturing ng lahat na kabiyak ng isang Cedric Chivaree.
At ang Gher wife na pinakasalan nito? Sinong may pakialam dito? Isang hamak na Gher at walang sapat na posisyon o katayuan sa buhay. Isang illegitimate child ng Metawin family. Sa mata ng mga nakakilala kay Cedric, higit na nararapat sa lalake ang isang babaeng katulad ni Alexandria. Para sa kanila ay isang malaking joke ang pagpapakasal sa isang lalakeng biniyayaan ng pagbubuntis, abnormal at pagkakamali ito sa sinomang lumikha rito.
Kung noon palang sana ay nagawa na nilang iligtas ang buhay ng mag-ina, disin sana'y ligtas ngayon ang buhay nung dalawa.
Luhaan ang mga matang napayakap ang babae sa husband niya habang naghihintay sa doctor na makakausap.
(Note: kilala niyo ang lalakeng ito. Siya lang naman ang lalakeng tumulong kay Winston sa kaarawan ni Mrs. Chivaree. Sa mga susunod na chapters ay malalaman niyo ang pangalan niya at ng babae. Tandaan: malaki ang part nila sa buhay ni Winston natin.)
Magkahalong emosyon ang nag-uumapaw sa puso ng lalake. Pinsan ng wife niya ang husband ng kawawang Gher. At ang Cedric Chivaree na ito ay kasalukuyan na nagpakasal sa kapatid na babae ng mismong gher. Awa? Higit sa awa ang nararamdaman niya para sa Gher. Hindi niya mawari kung ano nga bang emosyon ang nag-uumapaw sa kaniyang dibdib. Hindi ito ang una nilang pagkikita. Nakilala niya ang Gher noon sa araw ng kaarawan ni Mrs. Marie Chivaree. Ang araw kung saan ay kitang-kita niya sa kung paano binigyang kahihiyan ng lahat ang Gher na si Winston Metawin. Ngunit tulad ng iba, wala siyang nagawa o madaling sabihin ay wala siyang ginawa, bagay na ngayon ay pinagsisihan niya. Kung nalalaman lang sana niya na hahantong sa tagpong ito ang buhay ng Gher na tumulong sa family niya. Hindi na sana siya nag-atubiling tulungan ito.
"Honey, narito na ang doctor." Mahinang sambit ng wife niya na siyang dahilan para mapukaw ang naglalayag na isipan.
"Mr. and Mrs. Monteverdi."
Magalang na bati ng matandang doctor sa kanila ngunit maaninag sa mukha nito ang lungkot habang nakatitig sa katawan ng maliit na batang lalake."Mr. Sky. Did the autopsy report come? What did it say? Ano ang ikinamatay ng mag-ina?" Natatarantang saad ng babae na siyang dahilan naman para marahang mapasinghap ang matandang doctor.
"Yes, Mrs. Monteverdi. We did an autopsy. Prior to this young Gher's death, he was eating something."
Malungkot ang mga matang bumaling ang matandang doctor sa katawan ni Winston Metawin bago muling suminghap nng malalim."And?" the man asked with a serious voice.
"And... we found a high dosage of botulinum in it."
"W-what?! " Pagkagulat na sigaw ng babae habang yakap-yakap ng husband niya. Nang marinig ang sinabi ng doctor ay nabalot ng matinding lamig ang puso nito.
Sinong walang puso ang makagagawa nito sa isang mahina at hamak na Gher. Bagsak at iniwanan ng sariling asawa. Ipinakulong at sa huli ay... namatay? Maging sila ay hindi mapigilan ang mabigat na lungkot na bumalot sa mga puso nila. Awang-awa sila Gher na si Winston. Gaanong paghihirap nga ba ang naranasan nito sa loob ng bigating pamilyang ito.
Gaanoman kalaki ang galit ng mag-asawa sa Chivaree family. Malaking pader ang kalaban nila. Sa madaling sabi ay, wala silang magagawa.
Botulinum.
It was a terrible poison. Ingesting it will make the victim's nervous system fail, and the victim will die in extreme pain. Did Winston Metawin bear such pain before his death?
Nabalot ng matinding sakit ang mga puso nila. Maging ang matandang doctor ay nabalot ng pait ang puso nito. Tunay ngang nakatatakot ang buhay na naranasan ng Gher na ito.
"At... ang bata?"
Damang-dama na ng lalake ang panginginig ng katawan ng wife niya dahilan para siya narin ang muling nagsalita. Isipin palang ang dinanas na paghihirap ng Gher na ito, nagsusumikip na ang kaniyang dibdib.Halimaw ang Taong gumawa nito.
"Namatay ang Bata sa kawalan ng hangin. Huli na ng mapag-alaman ang sitwasyon ng maliit na anghel. Wala ng buhay ang munting anghel ng makarating ito rito sa Hospital."
Dead on arrival.
Sa pagkakataong ito ay tuluyan na ngang mapahagulhol ang babae na siyang dahilan para lalong mag-umigting ang poot at galit sa puso ng lalake.
Pangako.
Gaanoman kalaki o kalawak ang connection ng Pamilyang ito. Sisiguraduhin niyang maibibigay ang hustisya para sa mag-ina.
Namatay ang Gher at ang anak nito ay siya rin namang ang araw na nagpakasal ang kapatid nito sa dating asawa. Nasaan ang hustisya?
'Kung walang hustisya. Ako na mismo ang magbibigay ng hustisya para sa kanila! '
A few days later, the result of his investigation came. Ito ay kagagawan mismo ng dalawang babae sa buhay ng isang Cedric Chivaree. Para mapakasalan ang lalakeng iniibig nito, nagawa ng sariling kapatid ni Winston ang alisin sa landas niya ang Gher at malaking tulong rito ang Ina ni Cedric Chivaree.
Ngunit ang tanong, may nalalaman ba si Cedric sa mga nangyari?
O madaling sabihin na, may kinalaman rin ba ang isang Cedric Chivaree sa pagkamatay ng sariling mag-ina nito para maisakatuparan ang pag-iisang dibdib nito at ng babaeng si Alexandria Metawin?
Kung gayon ay, katakot-takot nga ang taong ito.
Para sa kaniyang kabet ay
Handa niyang talikuran ang wife at anak niya, makasama lamang ang tunay na sinisinta.Ganoon ba talaga ang nangyari?
Impossible namang walang nalalaman ang isang Cedric Chivaree, tama?
Ngunit gaanoman karami ang mga tanong na ito.
Tuluyan ng nawala sa mundo ang Gher at ang maliit na batang naging victim ng masamang mundong kinabibilangan nito.
END OF PREVIOUS LIFE.
~Angelica'sbook~
BOYSLOVE FANFICTION MPREG
BINABASA MO ANG
Neglected Wife (Reborn BL) BOYSLOVE
FanfictionGood evening everyone... Let me share sa isang book na ito guy's. Title: THE NEGLECTED WIFE BRIGHTWIN FANFIC Buong buhay ni Winston Metawin ay punong-puno ng kalungkotan at matinding pagsisisi. Magmula nang siya ay isinilang tanging kaapihan ang kan...