10

424 38 6
                                    

NEGLECTED WIFE 10

****____****

"Mommy!"

Maririnig ang cute na pagtawa ng isang bata na siyang dahilan para maidilat ni Winston ang kanyang mga mata. Kasunod nito ay mararamdaman ang marahang pagdampi ng isang mainit at malambot na bagay sa kaniyang pisnge.

"Mommy, wake up, Mommy."

Paulit-ulit na pagtawag ng isang cute na tinig, kasabay ng maliit na halakhak ng isang tinig. Sa una ay malabong makita ang anino nito ngunit habang paulit-ulit na dumadampi sa pisnge ni Winston ang malambot na bagay na iyon. Unti-unting nagliliwanag ang aninong nakatunghay sa kaniya.

"Wake up, Mommy, wake up~"

Nang tuluyang maidilat ni Winston ang paningin doon lamang niya napagtanto kung sino ang nagmamay-ari ng maliit at cute na tinig.

"Mommy's awake!"

"Little Zed..."

Sa pagkakataong iyon, pakiramdam niya ay nabalot ng tuwa ang puso niya. Ang baby niya, ang munting anghel na pinakamamahal niya ngayon ay nasa harapan niya. Sa puntong iyon ay tuluyang bumuhos ang mga luha sa kaniyang mata.

"Mommy, why are you crying? Are you hurt?"

Ang baby niya!

Ang anak niya ay nandirito ngayon sa harapan niya.

"Don't cry  Mommy~"
Mababanaag sa cute na boses nito ang tuwa. Para bang muling nasilayan ni Winston ang batang iniyakan niya hanggang sa kabilang buhay. Ang little angel niya na siyang dahilan para maghangad siya ng pagnanais na makabalik sa nakaraan at makitang muli ang anak. Sa sandaling ito ay hindi mapigilan ni Winston ang mapaluha. Tunay ngang mapagbiro ang tadhana. Binigyan siya ng pagkakataon para makasama ang anak niya ngunit paulit-ulit paring bumabagabag sa puso niya ang araw at sanhi ng pagkamatay nito.

Tandang-tanda pa ni Winston kung gaano ang mga luhang bumuhos sa mga mata ni Little Zed. Ang pagtangis ng isang anghel na halos dumurog sa kaniyang puso.

Nanatiling nakatitig ang mga mata niya sa maamong mukha ng anak, habang may ngiting nakatunghay naman sa kaniya ang baby niya.

"Forget it, mommy..."

No--

No! No way!

Hinding-hindi niya makakalimotan ang lahat-lahat ng sakit at pait na dinulot sa kaniya ng Chivaree family. Hinding-hindi niya makakalimutan sa kung paano siya dinurog ng pinung-pino!

Ang pakiramdam na tinutusok ng matatalim na mga karayom ang kaniyang dibdib. Hindi narin niya mabilang sa kung gaano karaming luha ang dumaloy sa kaniyang pisnge.

Paano niya makakalimutan ang sakit kung hanggang ngayon ay patuloy paring namumuhay ng maligaya ang mga taong nagawang wasakin ang buong pagkatao niya.

"I'm sorry, Son. Hinding-hindi matutupad ni Mommy ang wish ng little angel--ko."

Halos hindi na niya maibuka ang kaniyang bibig. Pakiramdam niya ay napakabigat ng kaniyang puso dahil sa halo-halong emosyong nag-uumapaw dito.

"I love you, Son."

"I love you two, Mommy." Humahagikhik nitong tugon bago tumakbo papalayo sa kinaroronan niya. Sa papalayong anino nito ay hindi maiwasan ni Winston ang mapahagulhol.

"A-anak ko..."

Hindi madaling makalimotan ng isang Ina ang pighating sinapit ng sariling anak nito. Walang yaman ang makatutumbas sa sakit at pait ng mawalan ng isang anak. At ito ngayon ang pait na bumabalot sa puso ni Winston Metawin.

Neglected Wife (Reborn BL) BOYSLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon