NEGLECTED WIFEA/N: Guy's nawala ang phone ko kaya natagalan tayo sa update.
~~~====~~~~
"Tinatanong ko kayo kung anong nangyayari rito?!" Malakas na sigaw ni Cedric na siyang dahilan upang bahagyang mapaatras sa kani-kanilang kinatatayuan ang ilang bisitang naroroon. Maging ang Ina ni Cedric na si Mrs. Marie Chivaree ay hindi narin naiwasan ang matakot sa napakalamig na aurang bumabalot ngayon sa sariling anak nito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay natagpuan nalang ng babae ang sarili habang nakayuko at nag-iiwas ng paningin sa anak nito. Ngayon lamang niya, makitang magalit ng ganito ang little boy niya.
"S-Son..."
"Mom, Winston, Isang tanong isang sagot ang gusto kong marinig mula sa inyo. Ano ang nangyayari ngayon rito!"
Hindi na ito katanongan kundi isang malaking pag-uutos sanhi para mapasinghap ng bahagya si Winston. Bakit ba? Natural ang mapasinghap dahil sa hindi inaasahan na eksaktong pagdating nung ex-husband niya, okay? Ang dami-dami pa naman ng mga luhang bumuhos sa kaniyang mga mata, pero anong nangyari? Nasayang lang! Sa isiping naudlot ang pag-arte niya ay naghahatid ng naiibang pagkairita sa puso ni Winston Metawin."Ahm..."
Kagat-kagat ang pang-ibabang labing marahang iwinaksi ni Winston ang mga mata sa naggagalaiting mukha ng husband niya bago pasimpleng sumulyap sa direksyon ng pinto kung saan ay patuloy pa rin ang malakas na pagsigaw, mga maiinit na pagsinghap at ang magkakasunod na ungol ng babae at lalake. Hindi malaman ni Winston kung saan siya magsisimula. Nag-aalala rin siyang may mahalata si Cedric sa mga ikinikilos niya, kilalang-kilala niya ang lalakeng pinakasalan. Maliwanag at matalim ang pangdama ng lalake na matutulad sa isang ibong Lawin, kung kaya ay kinakailangan niya ang ibayong pag-iingat sa bawat habang na gagawin niya. Hinding-hindi maaring mapansin ng ex-husband ni Cedric ang ni katiting na proweba sa mga plano niya. Tuso ang isang taong ito. Sa pagkakataon na'to ay kinakailangan ni Winston ang maging tuso katulad rin ng lalakeng napakasalan."Kasi ang half-sister ko ay."
"Manahimik ka!" Hindi pa man natatapos ni Winston ang sasabihin ay marahas ng pinutol ni Mrs. Chivaree ang mga sasabihin niya. Tuliro at kapansin-pansin ang pagkabalisa sa mga mata sanhi upang higit na lumakas ang mga bulong-bulungan sa paligid. Mga bulong na siyang naghatid ng tuwa at excitement sa puso ng Gher na si Winston. Why? Dahil ang lahat ng sinasabi ng mga taong naroroon ay umaayon sa kanilang mga plano.
"Kahihiyan! Isang matinding kahihiyan talaga ito!"
"Mrs. Gu, ganiyan ka rin ba kung humiyaw noong kabataan mo?"
"Haha... Baliw, normal lang iyon lalo na't mahusay magtrabaho ang asawa ko."
"Sandali lang... Si Miss Alexandria ba talaga ang naroroon sa loob? Kung magkaganoon ay sino ang kasama nito?"
"Oo nga noh? Paulit-paulit nitong isinisigaw ang pangalan ni Young Master Cedric, pero...pero ibang lalake pala ang kasama?"
"Matatawa ba ako o maaawa sa sitwasyon niya? Juscolurd! Alam nating lahat sa kung anong namamagitan sa kanila ng husband ng sariling Gher brother nito, pero sinong mag-aakala na."
"Bakit ano bang meron sa..."
"Shhh... Malapit na sila sa exciting part... hahaha"
"Oh my gawd! Naririnig ko na ang..."
Sa mga salitang nagmumutawi sa labi ng mga taong ito, galit at pagkapahiya ang mabilis na nag-umapaw sa puso ni Mrs. Chivaree. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naramdaman niya ang ganitong kahihiyan. Hindi lang ito kahihiyan kundi matinding pagkasira na ito ng reputasyon ng kanilang pamilya!
"Everyone, please, maging maingat nawa tayo sa mga salitang bibitawan natin. Walang katotohanan na may namamagitan sa anak ko at sa dalagang si Alexandria Metawin. Please, be mindful of our words, and besides, hindi natin nasisiguro kong si Alexandria nga ba ang babaeng nasa loob ng silid."
![](https://img.wattpad.com/cover/316352088-288-k135538.jpg)
BINABASA MO ANG
Neglected Wife (Reborn BL) BOYSLOVE
FanfictionGood evening everyone... Let me share sa isang book na ito guy's. Title: THE NEGLECTED WIFE BRIGHTWIN FANFIC Buong buhay ni Winston Metawin ay punong-puno ng kalungkotan at matinding pagsisisi. Magmula nang siya ay isinilang tanging kaapihan ang kan...