CHAPTER 1

635 46 3
                                    


NEGLECTED WIFE

NEGLECTED WIFE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Alexandria

ATTENTION⚠️⚠️⚠️

Maraming maling gramatika at spelling kaya please lang sa mga perfectionist dito ay iwanan niyo nalang ang book na ito. Libre lang po' ito kaya kaunting respect naman sa mga salitang bibitawan. Walang pilitan po' tayo rito.

CHAPTER 1

NEGLECTED WIFE

Ito ang tawag ng lahat sa akin. Isa akong neglected wife. Iniwan at ipinagpalit ng sariling husband niya sa mismong kapatid kong babae. Pinagkaitan ng karapatan sa sanggol na dinala ko ng Sampung buwan. Itinuring na basahan ng sariling magulang at nang pamilya ng husband kong si Cedric Chivaree.

Paano nagbago ang lahat? Saan ako nagkulang? Takot akong iwanan ngunit paulit-ulit pa rin akong iniiwan ng mga taong inaakala kong mapagkatitiwalaan.
Ibininta ako ni Dad sa husband ko. At sa pagkakataong 'yon ang buong akala ko ay nakaligtas na ako sa kaapihan ng mundo. Mahal na mahal ako ni Cedric Chivaree, lahat ay nagawa niya para lamang makasama ako. Sa kabila ng matinding hadlang sa aming relasyon, nagawa ni Cedric ang talikuran ang lahat para sa'kin.

Ikinasal kami na siyang malaking pagkamuhi ng kanyang Ina, ngunit naging malaking pagkatuwa kay Papa dahil sa perang naging kabayaran sa kalayaan ko.

Ako lang naman ang nag-iisang anak nito sa labas. Anak ng isang babaeng waitress sa isang maliit na restaurant na umibig kay Papa. Magkasabay kaming isinilang ni Alexandria. Sinong mag-aakala na habang kasal ito ay magkakaroon ito ng relasyon sa aking Ina. Ang buong akala ni Mama ay walang asawa si Papa. At sa araw ng aking kapanganakan.  Sa hindi mawaring pangyayari ay namatay ang Mama sa araw mismo nang isilang ako. Walang may nakababatid sa nangyari, kung meron man ay tila ba nilimot na ito nang panahon. Lumaki ako sa bahay-ampunan  at nung dumating ang araw ng aking pang ika-sampung-taong gulang ay nagpakilala sa akin ang aking Ama at dinala ako sa pamamahay nito, mula noon ay lumaki na ako sa  poder ng aking Ama at mula sa araw ring iyon ay tunay ngang nabalot ng dilim ang buhay ko. Hanggang sa dumating si Cedric sa mundo ko.

Pansamatalang nagkaroon ng kulay ang madilim kong mundo.

Hanggang sa nangyari ang mga bagay na hindi ko inaasahan. Ang munting liwanag na aking nakamtan ay parang bulang naglaho sa aking palad at nauwi sa isang tila mahabang panaginip na hindi ko na muli pang masisilayan.

Isa itong magandang panaginip ngunit sa muling pagdilat ng aking mga mata ay waring napawi na tulad sa isang kisap-mata at napalitan ng nakapangingilabot na bangungot na siyang naghatid ng pait at katakot-takot na karanasan sa aking puso't-isipan.

.

.

.

.

.

"P-patayin niyo nalang ako..."

Luhaan ang mga matang nakatitig ako sa mukha ng mga taong sumira sa buhay ko. Nakatayo ngayon sa harapan ko ang Mama ni Cedric na may ngiti sa kanyang labi.

Neglected Wife (Reborn BL) BOYSLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon