NEGLECTED WIFE
Sa loob ng mansion ng pamilyang Chivaree. Nababalot ng matinding tension ang buong silid, kasalukuyang magkakaharap ngayon ang Chivaree at Metawin Family. Kapansin-pansin ang matinding galit at sari-saring emosyon na nag-umapaw sa mga mukha ng dalawang pamilyang ito. Luhaan naman ang mga mata habang paulit-paulit na sinasabi ni Alexandria Metawin ang mga katagang 'Wala itong kasalanan' at inosente ito sa pangyayaring iyon bagay na naghatid ng karagdagang tension sa mga taong naroroon."Dad... Maniwala ka, wala akong kaalam-alam sa nangyari! Inosente ako Dad. Tulungan mo akong malinis ang pangalan ko sa kahihiyan na'to. Wait-- ang inumin! Damn, Yes! Ang ininom kung wine Daddy may naglagay ng masamang gamot sa wine ko! Daddy, please hanapin niyo kung sino ang may pakana nito."
Habang nagpupuyo sa galit ang dalaga kaalinsabay ng mga luhang bumubuhos sa magandang mukha nito. Nababalot naman ng matinding takot ang puso ni Mrs. Marie Chivaree. Nababatid niya ang katotohanan sa nangyaring ito, na silang dalawa ni Alexandria ang may pakana ng lahat ng ito. Pero hindi para sa dalaga ang kahihiyan na inihanda nila kundi para sa walang kuwentang Gher wife ng anak niyang si Cedric! Paano nalang kung malaman ng husband niyang si Arthur na may kinalaman sa pangyayaring ito? Saan sila nagkamali? Saan sila nagkulang? Isipin palang na malalaman ng mag-amang Chivaree ang ginawa niya kasama ni Alexandria, naghuhurumintado na sa takot at pagkabahala ang puso niya.
"Husband anong gagawin natin kay Alexandria? Pababayaan nalang ba natin ito? Hindi maaaring masira ang pangalan ng anak natin kaya kumilos ka!" Natatarantang Saad ni Mrs. Andrea Metawin ang Ina ni Alexandria. Mababanaag ang lubos na pag-aalala sa mukha nito na siyang naghatid ng naiibang excitement sa puso ni Winston.
Nagkakagulo na sila, pero umpisa palang ito sa mga plano niya.
Pigil ang emosyon na pilit niyang itinatago sa maamong mukha sa pag-iingat na makita o mapansin ito dalawang pamilya.
"Mr. Arthur Chivaree sa Mansion niyo ito nangyari. Wala man lang ba tayong gagawin?" May pag-aalangan na tanong ni Enrique Metawin, pero kapansin-pansin ang nag-uumapaw na pagpipigil ng galit sa sarili nito. Alam niyang nakaangat ang Chivaree sa kanilang pamilya kung kaya gaanoman ang pagnanais na sunggaban ng sapak sa mukha ang lalakeng kaharap ay hindi niya magagawa. Hindi rin niya maatim ang katotohanan na sa kanilang pamilya pa at sa anak niyang si Alexandria nangyari ito. Ang matagpuan ang anak mo na nakikipagsiping sa hindi nakikilalang lalake ay mabilis na dumurog sa pride na pinakaiingatan niya. Wala pang Sinoman ang bumastos sa kanila ng ganito.
"Dad?"
"No. Pabayaan mo akong magsalita Alexandria. Anak kita at dalaga ka. Nawasak ang hindi lang pangalan mo kundi pati narin ang pagkababae mo, sirang-sira ka na ngayon sa mga mata ng lahat! Kaya hindi ko ito maaatim! Hindi ko ito malulunok na sa Mansion ka ng Chivaree napahamak ng---"
Hindi pa natatapos ang sinasabi ni Enrique Metawin ay isang mabigat at baritonong tinig na ang pumutol sa mga sasabihin nito. Isang tinig na nababalot ng napakabigat na aurang siyang rason upang bahagyang mapaatras sa kinatatayuan nito ang lalake.
"Sinasabi mo bang may kinalaman dito ang Pamilya ko? Tama ba ang pagkaunawa ko, Ama ni Alexandria?"
Mariin at nag-uumapaw ang mabigat na aura sa boses ni Arthur Chivaree na siyang naghatid ng nakakapangilabot na tension sa puso nilang lahat, maging si Winston ay nakadama ng pagbabago sa pagtibok ng kanyang dibdib. Tunay ngang nakatatakot ang mag-amang Chivaree. Rason para mag-ingat siya ng lubos sa bawat hakbang na gagawin niya."Hindi iyon ang ibig kong sabihin Mr. Chivaree... huwag mo sanang masamain ang sasabihin ko. Alam ng lahat na kasal ang anak mong si Cedric sa Gher ng Metawin Family. At nalalaman rin ng lahat ang kung anomang namamagitan sa anak kong si Alexandria at sa anak mong si Cedric Chivaree, kung kaya ay naiisip kong maaari kayang may kinalaman dito ang mga taong nais na magpabagsak sa inyo?"
BINABASA MO ANG
Neglected Wife (Reborn BL) BOYSLOVE
FanfictionGood evening everyone... Let me share sa isang book na ito guy's. Title: THE NEGLECTED WIFE BRIGHTWIN FANFIC Buong buhay ni Winston Metawin ay punong-puno ng kalungkotan at matinding pagsisisi. Magmula nang siya ay isinilang tanging kaapihan ang kan...