The Dream (12)

445 34 5
                                    

THE DREAM

"I Love You, Mommy. Love mo rin ba ako, Mommy? Kitang-kita ko sa mukha ng munting batang nasa harapan ko ang tuwa at kislap sa mga mata. Ito ang anak ko, ang little angel ko.



"Mommy loves you so much!"may ngiti sa labing tugon bago niyakap ang anak ko.

Humagikhik na niyakap ng anak ko ang buong katawan ko. Yakap-yakap ako nitong hinalikan sa pisnge ng paulit-ulit saka masuyong hinawakan sa mukha.

"Little Zed loves mommy so much too!"

Sa sandaling iyon, tila nanumbalik sa aking ala-ala ang masasayang araw ko kasama ng munting anghel ko. Naririnig ko parin ang malakas na hagikhik ng anak kong si Little Zed. Ngunit sa kabila ng malakas na hagikhik nito, isang malakas na pagtangis ang lumabas sa aking bibig.

Nagsimulang mapalitan ang masayang larawan sa aking harapan. Ngayon naman ay nakatayo ako sa harapan ng isang sasakyan kung saan ko nakita ang walang buhay na katawan ng anak ko. Alam kong imposible itong mangyari dahil nakulong ako noong mamatay ang little Angel ko. Pero anong ginagawa ko ngayon sa harapan nito? Hindi ko alam, ang tanging nalalaman ko lang ay...

Nanginginig ang katawan ko ng makita ang walang buhay na katawan nito. Sa puntong iyon ay nagsimulang bumuhos ang mga luha sa aking mata.

"B-baby...? "

"M-my... My Little Angel? Please wake up... Okay? Please wake up 'cause mommy is here..." Nanginginig kong tugon habang walang sawang bumubuhos sa aking mga mata ang mga luha ko.
Marahan at nanginginig ang tuhod na nilapitan ko ang Angel Boy bago masuyong niyakap ang katawan nito. Alam kong panaginip lang ang lahat ng ito. Alam kong masakit na panaginip ito, pero gustong-gusto kong manatili.

"My little Angel... Little Zed ni Mommy... Please gising na ah, nandito na si M-mommy" impit kong iyak habang inaalo ang tulog na tulog kong munting anghel.

Ang sakit-sakit e, binigyan man ako ng pagkakataon na muling itama ang lahat, pero hindi parin maaalis sa isipan ko ang sakit at pait na makitang nangyari ito sa previous life ko.

"Little Ze-d. Gising na anak. Gising na anak ko. Nandito na si Mommy."
Nagpatuloy ang pagbuhos ng luha sa aking mata. Hindi ko na ininda kong panaginip lang ang lahat ng ito. Basta't ang alam ko, yakap-yakap ko ngayon ang malamig, walang buhay na katawan ng Little Boy ko.

Ang mayakap ang malamig na katawan ni Little Zed at isiping wala akong nagawa. Ito ang pinakamasakit na pangyayari sa aking buhay. Pakiramdam ko ay dahan-dahang dinudurog ng pinung-pino ang puso ko.

Nang biglang...

Isang malakas na hangin ang yumakap sa katawan naming dalawa bago walang alinlangan na bumalot ito sa katawan ni Little Zed saka hinila palayo sa pagkahawak ko ang anak ko.

This is a dream!

Alam ko! Pero ng makita kong inilalayo sa akin ng hangin ang katawan ng anak ko bago tuluyang maglaho ito na parang bula. Para akong binuhusan ng napakalamig na yelo.

"NO! NO... NO! IBALIK MO SA AKIN ANG ANAK KO! IBALIK MO PAKIUSAP...!" Wala na akong pakialam kong humahagulhol na ako, basta't ang alam ko ay napakasakit ng dibdib ko.

"Please... Ibalik niyo sa akin ang baby ko." Yumuyogyog na ngayon ang balikat ko sa sobrang emosyon na nag-uumapaw sa aking puso. Pakiramdam ko ay namatay na naman ako ng paulit-ulit.

"Mommy! Mommy, please help. Please help Little Zed. Mommy!"

Gulat na napabaling ako sa tinig nito. At mula sa mismong kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ngayon ang luhaang mata ng anak ko habang nasa loob ng sasakyan. Kitang-kita ko sa kung paano ito tumangis sa paghingi ng tulong.

"Ba-by? Son...? Mommy is here!" Natatarantang tinahak ko ang sasakyan, pero tila ba sa bawat paghakbang ng aking paa ay papalayo nang papalayo ang sasakyan sa kinaroroonan nito.

"Mommy, be careful, mommy..."

Nang mapagtanto ko ang nangyari. Pakiramdam ko ay tuluyang nawasak ang lahat-lahat sa puso ko. Kahit sa panaginip ay hindi ko magawang tulungan ang anak ko.

Kitang-kita ko ang panghihina ng katawan ni Little Zed na siyang dahilan para lalong mabalot ng sakit at pait ng dibdib ko. Hanggang sa tuluyang bumagsak ang katawan nito tulad sa pinakita sa akin ng kapatid kong si Alexandria.

Sa puntong iyon...

Para bang sumabog ng buo ang puso ko.

"Ahhh--!" Wala akong magawa.

Wala akong magawa kundi ang sumigaw at magmakaawa na sana ay magising ako sa masalimoot na panaginip na ito.

Sobrang bigat...

Hindi ako makahinga...

Hanggang sa isang malayang katok sa pinto ang pumukaw sa natutulog kong diwa.

~~~~

"Young Madam, Old Master Chivaree is in the study, and he requests your presence."
Isang magalang na kasambahay ang ngayon ay mahinang kumakatok sa aking pinto.

Magalang?

Sa sandaling ito ay walang pagsidlan ang mga luha sa aking mata. Walang pagsidlan rin ang pagbuhos ng pawis sa aking noo. Kung kaya ay hindi ko na ito binigyan ng pansin. Isa na namang panaginip.

Isang panaginip na paulit-ulit na dumudurog sa puso't isipan ko.
Marahan akong bumangon sa pagkakahiga. Pagkatapos ng matinding pag-uusap na iyon ay hindi ko namalayang nakatulog pala ako ng nakabalik ako sa silid.

"Susunod na ako, salamat."

"Kung gayon ay sasabihin ko ho' sa Señorito na darating na kayo."
Hindi ko na sinagot ang sinabi nito at inantay ang papalayong mga yapak ng paa.

Pigil ang hiningang pinilit kong pakalmahin ang mga emosyong nag-umigting sa aking dibdib. Bago marahan na dinama ang munting buhay na ngayon ay naninirahan sa aking katawan.

"Po-protektahan kita, Anak
Hinding-hindi mapapayagan ng Mommy ang mapahamak kang muli. Magbabayad ang nararapat magbayad." Malamlam ang mga matang pinakatitigan ko ang munting buhay na nasa tiyan ko bago walang emosyon na pinagmasdan ang pinto.

"Oras na. Dumating na ang oras. Nagsimula na sila, anak ko."

END CHAPTER.

Sorry for the short chapter.

~Angelica's book~

MERRY CHRISTMAS EVERYONE!

Neglected Wife (Reborn BL) BOYSLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon