NEGLECTED WIFE, CHAPTER 9
~Neglected Wife New cover ~
~ The Change ~
' Wife, remember this, walang hiwalayan na mangyayari. Walang-wala! '
Mariin at napupuno ng pagbabantang tugon ni Cedric sanhi upang bahagyang mapaatras sa kaniyang kinauupuan si Winston Metawin.
--_-----
Present>
Pagkatapos ng mainit na tagpo ng pag-uusap nila ni Cedric at nang Ina nito. Isang bagay ang napagtanto ni Winston sa puso niya. Ang pamilyang pinasok niya ay pamamahay ng mga taong halimaw.
Tama, halimaw ang matatawag sa mga taong tulad nila. Mga taong mapagkunwari at gahaman sa yaman at papuri. Sa pagtataka narin ni Winston, hindi penermahan ni Cedric ang divorce. Bagay na nagbigay ng kaunting pag-aalala sa part niya.
Kung hindi na siya mahal ng lalake. Bakit hindi nito permahan ang divorce contract? May mapapala ba ang halimaw niyang asawa sa pananatili niya sa Chivaree family? Sa isiping iyon ay hindi mapigilan ni Winston ang ihanda ang sarili. Kung anoman ang pinaplano ng ex-husband niya, sisiguraduhin niyang handa sa kahit anomang oras.
Ngunit bago ang lahat...
"Hindi maaaring malaman ni Cedric ang pagbubuntis ko. Hangga't naririto pa ako sa poder nila. Hindi maaring malaman ni Cedric ang tungkol sa anak ko."
Isang bagay lang ang magagawa niya para bitawan siya ng lalake. Kinakailangan niyanag mahanap ang kahinaan nito at sa araw na iyon isa-isang patatamaan ni Winston, ang mga kahinaan na'yon nang sa gayon ay tuluyan na siyang pakawalan ng lalake.
"Isa-isa ko silang pagbabayarin sa mga pagkakasalang nagawa nila sa akin at sa Little Zed ko. Wala akong oras na sasayangin. Hindi ako nabigyan ng pangalawang pagkakataon para lang umupo at walang gawin. Magbabayad ang Pamilyang nanakit sa akin at sa sanggol na dinadala ko!".
Subalit, hindi na siya ang dating Winston.
-------
"Young Madam, pinapatawag ka na po ng Señora at ni Young Master" may ngiti sa labing turan ng isa sa mga kasambahay ngunit kitang-kita ni Winston ang pandidiri sa mga mata nito. Maging ang pagtawag nito sa salitang 'Madam' ay maaninag ang kawalang respeto at disgusto.
Walang emosyon na pinakatitigan niya ang babaeng kaharap. Nasa gulang na twenty pataas ang babae. Hindi kagandahan, pero makikita ang kaakit-akit na magandang hubog ng pangangatawan. Hindi rin maitago sa mata ni Winston ang maliit na galit at Inggit sa mata nito habang nakatitig sa kaniya.
Wait-- Inggit?
Sa isiping iyon ay hindi naiwasang mapangiti ni Winston na siya naman lalong ikinairita ng babae.
"Young Madam, kinakailangan ko pa bang ulitin ang aking sinabi?" Mahinahon na muling sabi nito, pero maririnig sa tinig ang unti-unting pagkaubos ng pasensiya.
Marahang hinarap ni Winston ang kasambahay bago matamis ang ngiting pinakatitigan ito.
"Hindi na kailangan. Ano nga ulit ang pangalan mo? Lily? Liya?""Elsa! Ma-madam," mariing turan ng babae. Mababanaag ang galit sa boses nito.
Natatawang masinsinan niyang pinakatitigan ang babae. Isang titig na siyang naghatid ng naiibang kaba sa kasambahay. Pakiramdam ng kasambahay ay hindi na niya kilala ang Gher na kaharap. Nasaan ang timid na wife ng boss niya? Bakit pakiramdam niya ay isang halimaw ang nasa harapan niya.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakadama siya ng bahagyang takot.
BINABASA MO ANG
Neglected Wife (Reborn BL) BOYSLOVE
FanfictionGood evening everyone... Let me share sa isang book na ito guy's. Title: THE NEGLECTED WIFE BRIGHTWIN FANFIC Buong buhay ni Winston Metawin ay punong-puno ng kalungkotan at matinding pagsisisi. Magmula nang siya ay isinilang tanging kaapihan ang kan...