CHAPTER 4

417 40 5
                                    

NEGLECTED WIFE, CHAPTER 4

****-----****----****

Previous Chapter:
"Nandito na si Cedric Chivaree!"

Damn! Nandirito na ang taong kinatatakutan ni Winston Metawin. Dumating na ang ex-husband niya.

---------

FLASHBACKS:

A/N: Sa book na ito ay marami tayong babalikan na mga bahagi ng past life nila para maunawaang mabuti ang mga nangyari.

"Paumanin, Mr. Metawin, ang sabi ng young master ay bawal daw ang mga aso sa loob."
Ito ang mga katagang paulit-ulit na nanunumbalik sa utak ni Winston. Ang mga katagang nagmumula sa mga taong nanakit sa kanya.

Nanginginig ang katawan niya nung mga panahong iyon. Pakiramdam niya ay nauubusan siya ng hininga. Ang pagtulongan ka ng mga taong nasa paligid mo, pakiramdam niya ay pinagkakaitan na siyang mamuhay.

"Cedric! Pakiusap lumabas ka at kausapin mo ako Nagmamakaawa ako Sayo!Wala akong kinalaman sa nangyari, hindi totoo ang lahat ng ibinibintang nila sa akin maniwala ka."

Walang pagsidlan ang mga luhang bumubuhos sa kanyang mga mata. Durog na durog ang puso niya.
Ito ang paulit-ulit na sinisigaw niya sa mata ng lahat ngunit walang nakikinig, walang may nais na makinig.

Ang pangarap na pagmamahal at masayang pamilya na kanyang pinapangarap na mabuo. Ngayon parang mga palaso na paulit-ulit na tumatama sa sugatang puso niya. Walang may nakababatid sa pagdadalang-tao niya. At sa gabing iyon, araw ng kaarawan ng Ina ni Cedric Chivaree. Hindi makapaniwala si Winston na mangyayari ang pagkawasak ng buong buhay niya. Sirang-sira siya sa mata ng lahat ng dahil sa kagagawan ng kapatid niya. Naging malaking kahihiyan pa siya sa mata ng buong Chivaree family. At ngayon naman ay naging kasalanan pa niya sa kung bakit muntikan nang napahamak ang isa sa mga kamag-anak nito.

Ngunit wala talaga siyang kinalaman sa nangyari! Hindi nga niya nalamang nawalan ng malay ang matanda ng dahil sa mga pagkaing inihanda niya. Lason, ito ang malakas na akusasyon sa kanya. Nilason niya ang pagkaing inihanda para sa sariling kapatid na si Alexandria na aksidente namang nakain ng isa sa mga bisita. At bakit hindi niya alam? Dahil pagkatapos ng pagkapahiya niya ay nawalan siya ng malay at dinala sa hospital.

Kung sa lason sa pagkain naman ang pag-uusapan, magagawa ba niyang saktan ang sariling kapatid sa harapan ng lahat lalo't buntis siya?
Yes, buntis siya at ito ang malaking regalong nais niyang ipabatid sa husband niyang si Cedric. Ngunit bago nito malaman, isang pangyayari ang hindi niya inaakalang magaganap.

Pinahiya siya sa harapan ng lahat at ngayon ay inaaakusahang mamatay tao. Ano nga ba ang kalaban-laban niya?

"Please, pakiusap pabayaan ninyo akong makita si Cedric! Let me see my husband please..."
Nanginginig ang mga palad na nakayakap siya sa kanyang sarili. Pakiramdam niya ay nababalot ng napakalamig na hangin ang buong katawan niya, hirap siyang makahinga.

"Anong ginagawa mo? Nandito ka parin? Masuwerte ka na at hindi ka pinakulong ni Cedric, pero makulit ka parin! Don't you know that trash is not allowed in our home?" Ito ang malakas na sigaw na bumungad sa pandinig ni Winston. At mula sa kanyang kinatatayuan, nakatayo sa kanyang harapan ang isang magandang mukha ng babaeng paulit-ulit na naging bangongot ng kanyang buhay.

Alexandria...


Ang babaeng umagaw sa husband niya. Ang sariling kapatid at ang kabit ng husband niya.

Nanigas ang katawan ni Winston. Ang malaking mansion na ito ay ang mansion na minsan rin ay naging kaniyang tahanan. Ang bahay na kung saan siya dinala ni Cedric at nangako na bubuo ng masayang pamilya. Ang pangarap na pagmamahal para sa kanila. At ngayon ay hindi man lang niya matapak ang mga paa kahit sa harapan ng gate nito.

Neglected Wife (Reborn BL) BOYSLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon