NEGLECTED WIFE 23
ANG PAGPAPATULOY...
🖋️➿➿➿➿➿➿➿➿🖋️
(PANAGINIP)
Ilang malalaking kalalakehan ang marahas na pumasok sa kaniyang silid at agad na hinarangan ang bawat sulok ng silid ni Winston bagay na naghatid ng matinding kaba sa kaniyang dibdib. Nakasuot ng itim na kasuotan ang mga ito at may dalang kaniya-kaniyang armas sa kanikanilang mga kamay.
"Sino kayo? Bakit ninyo ginagawa sa akin ito? Pinadala ba kayo ni Cedric dito? Ni Alexandria? Oh-wait...Si Marie Chivaree! Siya nga diba? Bakit ba ninyo ginagawa sa akin ito? Hindi pa ba sapat ang ikinulong ninyo ako sa mental hospital na ito?!"tigagal ang mga matang napatitig siya sa mga taong ito at hindi rin maitago ang takot na nag-uumigting sa kaniyang tinig.
"Sumama ka sa amin Young Madam Chivaree." Siyang tanging tugon ng isa sa mga ito na marahil ay pinuno ng grupo. Kapagkuwan ay mabilis na sumenyas sa mga kasama at walang alinlangan na binuhat siya ng mga ito papasok sa isang itim na van na siyang rason upang mataranta siya ng husto.
Sa salitang ito ay mabilis na nag-umigting ang takot at kaba sa puso ni Winston. Pakiramdam niya ay tatalon palabas sa kanyang dibdib ang puso niya. No. Paano nalang ang little Zed niya? Kapag pinatay siya ng mga taong ito paano nalang ang anak niya. Hindi pa niya nagagawag makita ang munting anak niya magmula nung magkalayo sila.
Ngunit gaanoman ang pagpupumiglas niya sa mga ito ay tila walang balak ang mga taong ito ang palayain siya. Bagkus ay may telang idinampi sa kanyang bibig.
"Gusto kong makita ang anak ko mmmppp..."
"Dalhin niyo sa District Z. Bantayan ninyo siyang mabuti at huwag hayaan na makawala sa inyong paningin. Dahil kung hindi buhay ninyo ang kapalit. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Opo!"
Magkakasunod na tugon ng ilan bagay na naghatid ng nakakapangilabot na pakiramdam sa buong katawan ni Winston.Papatayin na kaya siya?
Please no!
Isang malakas na pagsinghap ang napakawalan ni Winston nang maidilat ang mga mata. Ano'ng klaseng panaginip iyon? Hindi niya maunawaan sa kung anong ibigsabihin ng panaginip niyang iyon. Pakiramdam niya tuloy ay nabalot ng pagkalito ang utak niya. Hindi niya matandaan na may ganoong pangyayari sa previous life niya. Sino ang mga taong iyon? At bakit siya dinala ng mga ito sa isang lugar na hindi niya alam? May ilang bagay o kaganapan ba siyang nakalimotan o nakaligtaan? Bakit pakiramdam niya ay may malaking bahagi sa utak niya ang nakalimotan niya? Sa isiping ito ay hindi mapigilan ni Winston ang manginig sa takot at pag-aalala. Bago marahan na idinampi ang palad sa batang nasa sinapupunan niya.
Sino ang may pakana ng pagkidnap sa kaniya? Ang Ina ba ni Cedric o ang kapatid niyang si Alexandria? Kung may ilang bagay o pangyayari siyang nakalimotan. Paano niya masisiguro ang tagumpay ng kanyang mga plano? Mamatay parin ba sila ng batang nasa sinapupunan niya? No. Hindi ito maaaring mangyari!
Sa pag-iisip niyang ito ay hindi magawang pigilan ni Winston ang kagatin ang pang-ibabang labi habang nanginginig ang mga kamay na hinaplos ang kaniyang ulo. Ito ang nakagawian na niya sa tuwing nakadarama siya ng nerbiyos o pag-aalala.
BINABASA MO ANG
Neglected Wife (Reborn BL) BOYSLOVE
FanfictionGood evening everyone... Let me share sa isang book na ito guy's. Title: THE NEGLECTED WIFE BRIGHTWIN FANFIC Buong buhay ni Winston Metawin ay punong-puno ng kalungkotan at matinding pagsisisi. Magmula nang siya ay isinilang tanging kaapihan ang kan...