LET'S START THE GAME

457 44 7
                                    

THE NEGLECTED WIFE
(LET'S START THE GAME.)

****----****

"Let's start the game, shall we?"

He positioned himself on the left side of Cedric, where his sister used to be. On his peripheral vision. Kapansin-pansin ang malapit na distansya ng husband niya at ng kapatid niyang si Alexandria na siyang naghatid ng naiibang ngiti sa kanyang labi.

Tila ba mabait sa kanya ngayon ang tadhana.

Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi ni Winston, habang inaantay ang exciting na pangyayari.

Three.

Two.

One.

One of the servers fell on Winston's back, but another one was also tripped and accidentally pushed Alexandria on the spot, dahilan para mapatili ang dalaga.

Tila ba napakabilis ng nangyayari. Ngunit para sa mga mata ni Winston para siyang nanonood ng isang pelikula na siya ang kontrabida sa dalawang bida.

The whole scene happened in slow motion in Winston's eyes.

Pigil ang ngiting inantabayanan ni Winston ang mas exciting part na maghahatid katuparan sa mga plano niya ngunit, sinisigurado niyang hindi masasaktan ang batang nasa sinapupunan niya.

Nasaan nga pala ang server na mangangalaga sa anak niya?

'Ah, there you are.'

Winston saw how Alexandria screamed and how Cedric left his side to support the girl while he (Winston) closed his eyes, at inabangan ang marahas na pagtama ng katawan sa sahig.

KATAHIMIKAN...

Para bang mabilis na tumigil ang pag-ikot ng oras. Ang lahat ay nakatuon ang atensyon sa nangyayari.

Mariing nakapikit ang mga mata ni Winston ngunit bago pa man bumagsak ang mukha niya sa sahig ay isang malapad at matipunong mga palad ang mabilis na yumakap sa kanyang katawan.

"Hush---"

"Oh, gawd--"

The room was quiet after the fiasco. Cedric saved Alexandria from the fall, leaving his Gher wife of the same fate. At binigyan ng naiibang emosyon, at pagtataka ang ilang naroroon kung bakit mas pinili nitong iligtas ang kapatid ng Gher kaysa sa Gher wife mismo?

Marahang naimulat ni Winston ang kanyang mga mata bago maingat na pinagmasdan ang paligid.

Fck!

Ang lahat ay planado na niya, pero hindi niya inaasahan na kamuntikan na siyang mahulog sa mas delikadong lugar. Habang nasa kalagitnaan sila ng stage, hindi niya maunawaan sa kung bakit papabagsak ang katawan niya sa maling direksiyon. Ang dapat ay babagsak lamang siya sa sahig malapit sa may Cake ngunit sinong mag-aakala na hagdan ang pagbagsak ng katawan niya?!

Pigil ang hiningang napaangat siya ng mukha patungo sa direksiyon ng husband niya at ni Alexandria. Ngunit ang dalawa ay tila may sariling mundo. Mahigpit ang pagkakayakap ng babae sa husband niyang si Cedric, habang pagkagulat naman ang nababalot sa mukha ng mga magulang ni Cedric. Nanatiling nakatitig si Winston sa kawalan habang Inisa-isa ang dahilan ng pagkakamali niya nang biglang isang mabigat na aura ang bumalot sa puso niya. Damang-dama niya ang napakalamig na mga matang na waring nagnanais na kitlin ang buhay niya.

Kung kaya ay minabuti niyang sundan ang pinagmumulan nito hangggang sa.

Nagtama ang kanilang mga mata. Ang mata ni Cedric na ngayon ay nababalot ng napakalamig na aura habang nakatitig sa kanyang direksiyon. Yakap ang katawan ni Alexandria, pero nakatuon naman ang atensyon nito sa kanya.

Neglected Wife (Reborn BL) BOYSLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon