Chapter 32

39 1 0
                                    

Hindi nagtagal ay dumating na din sila Celine, Kevin, Gabriel at Wade. Anilay nagkita kita lang daw sila sa mall.


"Eto kasing si Kevin, ang kulit. Sinabi na ngang okay lang kahit wala siyang regalo kay mommy, nagpumilit pa din. Natagalan tuloy kami." Reklamo ni Celine habang umuupo sa tabi ko. Si Kevin naman ay kumukuha ng pagkain nila. Yung dalawa naman ay kumain na daw sila sa mall kanina.


"Okay lang. Ako nga walang regalo, e. Nakakahiya kay tita." Sabi ko.


"Okay lang yun, ano ka ba!" Sabi naman ni Celine.


Naramdaman ko naman ang kamay ni Riley na pinatong niya sa inuupuan ko. Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. Naestatwa ako sa ginawa niya.


"Do you want anything, Hackie?" Bulong niya.


"W-wala na." I stuttered.


"E, ako, do you want me?" Nakakapanindig balahibo niyang bulong.


Sh1t! Bahagya kong tinagilid ang ulo ko dahil sa kaliting naramdaman ko. Ugh! Damn you, Fuentaverde!


"S-Stop flirting, Riley." Bulong ko pabalik, hindi makatingin sa kanya.


"Do you want me to stop?" Aniya saka hinawakan ang baba ko at marahan na hinarap sa kanya. Nung nagtagpo ang mga mata namin, kinagat niya ang labi niya habang nakangiti. God! He's flirting. I can't stop him. I don't want him to stop.


Gustong gusto ko si Riley pag naglalambing. Lahat gagawin niya kahit anong gusto mo. Pero pag nagsusungit naman, daig pa yung babaeng may buwanang dalaw.


"You two! Get a room!" Sigaw ni Gabriel habang natatawa.


Tinignan siya ni Riley ng nakangiti. "Later, dude."


Tumawa si Gabriel saka binato ng kung ano si Riley. Nakita ko naman na natatawang umiiling si Celine. God! Gusto ko nalang lumubog sa kinauupuan ko!


Buti nalang at may tumawag sa akin at makakaiwas din ako sa pang aasar nila. Nag excuse lang ako saka tumayo. Hindi ko na nilingon si Riley dahil alam ko naman na sinusundan niya ako ng tingin.


"Hello?" Sagot ko kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang tumatawag.


"Hackie," Dinig ko ang boses ni kuya Claude. "Uuwi ako next week." Aniya.


"Bakit, kuya?"


"Matatapos na ang business trip ko. I want a vacation. I need a break. Nakakapagod din magtrabaho."


"Ow, okay kuya. Nasabi mo na ba kay mommy?" Tanong ko. Nilingon ko ang table namin at nakita kong deretso ang tingin sa akin ni Riley. Nakanguso siya habang nakatagilid ang ulo at nakahalukipkip.


"Nope. I want to suprise her. Don't you dare tell her, Hackie Leah." Banta niya. Natawa naman ako.

Once? Twice? I don't knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon