Chapter 19

79 2 0
                                    

Lumipas ang mga araw nang hindi kami nagkakasama ni Riley. Busy kasi sa school kasi finals na next week. Huli namin pagsasama nung ginawa namin ang group project. Nagkikita naman kami sa isang klase kung saan magkaklase kami. Yun lang.

Okay na rin si Kevin at Celine. Sa tingin ko, mas lalong naging sweet si Kevin sa kanya simula nun.

Andito ako ngayon sa canteen mag isa. Busy sa mga requirments na dapat ipasa.

Tingin lang ako ng tingin sa binigay sa akin ng professor ko nang requirements tas isasummarize ko.

Maya maya ay natapos na ko. Buti nalang ay maiksi lang ang binigay sa akin ng professor ko. Sa kalagitnaan ng ginagawa ko ay nakaramdam ako ng gutom. Tiningnan ko ang wrsit watch ko at tanghalian na pala.

Inayos ko ang mga gamit ko. Nilagay ko yung mga papel sa folder tas nilagay sa backpack ko. Pupunta ako ng canteen.

Pagkadating ko dun, nakita ko si Gabriel at Wade na magkasama pero wala doon si Kevin at Riley. Kasama siguro ni Kevin si Celine. Si Riley, maybe he's flirting with some other girls. I don't care.

Umupo na ako nung nakabili na ako ng pagkain. Siopao at softdrinks lang ang binili ko. Nagugutom ako pero wala akong ganang kumain ng kanin.

Kumakain na ako nung biglang nag vibrate ang cellphone ko.

Nick:

Hi, Hackie. :)

Wala akong ganang makipag text but I don't want to be rude. He's a nice guy, though.

Ako:

Hello.

Agad naman siyang nagreply.

Nick:

Oh, ba't walang smiling face? Haha. Anyway, can I ask you for a dinner?

Kumalabog ang puso ko sa text niya. Bakit naman niya ako iimbitahan mag dinner? Ano ba dapat kong ireply? Okay?

Ako:

When?

Nick:

Tonight?

Matagal akong nagreply. Hindi ko alam kung gusto ko bang magdinner kasama siya. Wala talaga ako sa mood ngayon, ayaw ko lang siyang madamay sa pagiging moody ko. Pero hindi ko din naman siya matatanggihan dahil nakakahiya naman. Damn!

Once? Twice? I don't knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon