Chapter 2

180 3 5
                                    

Natapos ang klase ng hindi ko man lang naintindihan ang sinasabi ng prof. ko. Parang lumilipad ang utak ko. O sadyang iniisip ko lang talaga yung nangyare kagabi?

His kiss on my jawline, neck, my shoulder. Argh! Ano ba 'tong iniisip ko!?

Tumayo na 'ko at inaayos ko na ang gamit ko ng tinanong ulit ako ni Celine.

"San ka ba talaga natulog kagabi huh!?" Medyo malakas ang pagkakatanong niya kaya napalingon tuloy ako sa likod ko. Nakita kong nakayuko si Riley at naka-half smile habang pinaglalaruan niya ang ballpen na hawak niya. Bumaling ulit ako kay Celine. " Bakit ba tanong ka nang tanong huh!?" Pasigaw ko din na sabi sa kanya.

"Pasensya na huh! Concern lang kasi ako!" Pataray na sagot sakin ni Celine. Inayos ko ulit ang gamit ko, pagkatapos kong ayusin hinarap ko ulit siya habang sinusukbit ang bag ko sakin.

"Diba andito naman ako? Wala naman nangyaring masama sakin, so bakit concern ka parin?"

"E, kasi nga baka sumpungin ka nanaman ng sa--qjdosjdo" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya kasi tinakpan ko na ang bibig niya. Napatingin ulit ako kay Riley. Hindi naman niya siguro narinig ang sinasabi ni Celine kasi hindi naman siya nakatingin samin e saka nag aayos siya ng gamit niya.

"Ang daldal mo talaga!" Pasigaw kong sabi sa kanya. Hayss. Sigawan kami ng sigawan. Pasensya na. Ganito talaga kaming mag-usap nito. "Halika na nga!" Sabay hiltak ko sa kanya. Hindi ko na ulit tinignan si Riley.

Vacant kami ng ganitong oras. Kaya dun muna kami sa Coffee shop dito sa loob ng campus.

"Maupo ka na dun. Ako nalang oorder ng sayo." Sabi sakin ni Celine. "Ano oorderin mo?" Duktong niya.

"Ahh... Yung dati nalang." Pagkasabi ko nun, naupo na 'ko.

Madyo mahaba ang pila kaya medyo matatagalan si Celine sa pagbili. Nagmumuni-muni ako nang mahagip ni Riley ang mga titig ko. Papalapit ba siya sakin? O sadyang uupo lang siya malapit samin?

Nagulat nalang ako nung bigla siyang umupo sa harapan ko.

"Ba-bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya.  Nakatitig lang siya sakin habang nakangiti.

"Nothing." Then he winked. Naglakad na siya papunta sa ibang upuan. Nakatingin lang ako sa kanya. Pinagmamasdan ko siya habang umuupo saktong dating naman ni Celine.

"San ka ba nakatingin huh? Kanina pa kita sinesenyasan para tulungan ako, hindi ka naman nakatingin." Diwara niya agad sakin habang umuupo.

"Sorry, hindi ko napansin e." Sabi ko habang kinukuha yung pagkain ko.

"Tss! By the way, san ka ba talaga natulog kagabi?" Muntik na 'kong masamid sa tanong niya. Umubo-ubo pa 'ko bago magsalita. "Hindi ka pa rin ba tapos sa issue na yan?"

"Hindi! Hangga't hindi mo sinasabi sakin kung san ka natulog kagabi, hindi kita titigilan." Ang kulit talaga ng isang 'to!

Once? Twice? I don't knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon