Chapter 35

56 1 0
                                    

Agad din naman na kaming bumaba nun. Si Riley naman ngingiti ngiti na parang timang. Hawak hawak niya ang kamay ko habang pababa kami ng hagdanan. Tumingin ako sa sala namin, wala na doon sila Chienna at yung Jia. Nasaan na yun?


"Ano, Hackie, alis muna kami." Ani Celine.


"Oh, saan kayo?" Tanong ko. Si Riley naman ay lumapit na sa mga kaibigan niya.


"Diyan lang naman." Aniya.


"Sama ako." Sabi ko.


Nilapit naman niya ang bibig niya sa tainga ko para makabulong. "Wa'g na. Dito nalang kayo ni Riley. Bibilhan ko siya ng regalo, e."


"Paano nama ako? Wala pa akong regalo sa kanya." Bulong ko pabalik.


"Diba nga sabi niya ikaw na mismo ang regalo para sa kanya?" Nakangising aso niyang sabi.


"Baliw! Gusto ko may ibibigay ako sa kanya."


"Kaya mo na yun. Basta dito nalang muna kayo." Aniya saka ako tinalikuran. "Tara na Kevin!"


"Saan kayo pupunta?" Nagtatakang tanong ni Riley.


"Sa paligid lang, bro." Sagod naman ni Wade.


"Kasama din kayo?" Tanong ko.


"Syempre!" Ani Gabriel.


"Kami lang dalawa maiiwan dito?" Tanong ko sa kanila at saka ako tumingin kay Riley. Tinaasan niya ako ng kilay at lumapit sakin.


"Why? Are you scared?"


"No." Tinaasan ko din siya ng kilay. Inirapan niya lang ako. Ang arte mo, Fuentaverde!


"Sige bro. Alis na kami." Nakipag apir lang si Riley kila Kevin bago sila umalis.

Nung kami nalang ang natira, nagkatitigan kaming dalawa. Mabibigat ang titig niya sa akin kaya hindi ko nakayanan. Nag iwas ako ng tingin.


Umupo nalang ako sa sofa at binuksan ang TV gamit ang remote. Iniisip ko pa din kung ano ba ang ibibigay kong regalo aa kanya. Ano ba kasi ang mga hilig niya? Hanggang ngayon, konti palang ang alam ko sa kanya. Si Chienna kaya? Kilalang kilala siya? Malamang. Mag bestfriend sila dati, Hackie.


Napalunok ako sa iniisip ko. Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang isang inan at nilagay iyon sa lap ko. Nagulat ako sa ginawa niya lalo na nung humiga siya at nilagay ang ulo niya sa unan na nasa lap ko.


"Uy, a-ano ba!" Nahihiya kong sabi.


Pumikit siya bago nagsalita, "Napagod ako kanina. Nagbasketball pa kami nila Kevin bago kami pumunta dito." Aniya. "Patulog muna, kahit saglit lang."

Once? Twice? I don't knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon