Chapter 23

83 2 0
                                    

Naglalakad ako sa hagdan habang may mga rose petals. Nang nakatapak na ako sa huling baitang, nakita ko si Riley na nakatayo at may hawak na red rose.

Ngumiti siya sa akin nang matamis kaya sinuklian ko din siya ng matamis na ngiti. Lumapit ako sa kanya at nagulat ako nung hapitin ng kaliwang kamay niya ang bewang ko at yung isa naman ay hawak hawak ang leeg ko habang itinutungo ito palapit sa mukha niya.

Mas nagulat ako nung hinalikan niya. Softly and gently. Yung para ka bang dinadala sa langit. Sinuklian ko din siya nang halik habang unti unti kong sinasara ang mata ko.

"I love you." Aniya sa gitna nang halik niya.

Nagising nalang ako sa lakas ng businang narinig ko. Unti unti akong bumangon kaya napalingon sa akin si Riley.

"Gising ka na. Gutom ka na ba?" Tanong niya.

Umiling lang ako. Naisip ko ang panaginip ko. Napabuntong hininga ako. Ano bang klaseng panagip yun, may kasamang pagpapantasya.

It is just a dream but it's perfect.

Posible kayang mahalin ako ni Riley? Pag ba sinabi niya sa akin na mahal niya ako sasabihin ko din sa kanyang mahal ko siya? Paano kung laro pa rin ang gusto niya at ako ang paborito niyang pusta? Mahirap sumugal sa isang bagay na walang kaaiguraduhan, pero ganun naman talaga sa isang sugal diba? Yung nagbabaka sakali kang manalo.

"Nasan na tayo?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang buhok kong nagulo dahil sa pagkakahiga ko.

"Papunta na tayo sa Hotel na tutuluyan natin."

Tumango lang ako. Hindi na kami nagkibuan hanggang sa makarating kami sa La Monet Hotel.

Pagkababa ko palang ay agad na akong nilamig. Nanginginig ako habang pumupunta sa likod ng sasakyan ni Riley. Bumaba na din siya at sumunod sa akin. Binuksan niya ang likod ng sasakyan niya para kunin ang bag namin. Inabot niya sa akin ang bagpack ko.

"T-Thank you..." Hindi ko maayos ang pagsasalita ko dahil nanginginig ako sa lamig.

Pinagmasdan niya akong mabuti. "Are you okay?"

Tango lang ang naisagot ko dahil nanginginig ang labi ko.

"You are not, baby." Aniya at lumapit pa sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko na ikinagulat ko.

Hinubad niya ang jacket niya saka niya iyon sinabit sa balikat ko. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at pinagkiskis iyon. Lalo pa siyang lumapit sa akin. Kulang nalang magdikit ang ilong namin dalawa.

"Ang lamig ng kamay mo." Aniya at saka hinipan ang kamay ko. "Pasok na tayo sa loob." Kinuha niya muna ang bag niya at saka isinabit iyon sa balikat niya bago isara ang pinto ng sasakyan niya.

Hinila na niya ako papasok sa bahay bakasyunan nila. Agad niyang nilapag ang bag niya sa lamesa bago kinuha ang bag ko at nilagy din doon.

"Asan sila Celine?" Tanong ko habang umuupo sa sofa.

"Nagpunta lang saglit sa market. Bibili ng pangtanghalian natin."

"Diba meron naman pinadala sa atin si mommy?" Nagtatakang tanong ko.

"Oo nga pero kulang yun sa atin." Aniya. "Teka... Kunin ko lang." Saka siya lumabas.

Maganda itong bungalow wooden house nila. Pati ceiling fan nila at sahig ay gawa sa kahoy. Pag binuksan mo ang mirror sliding door sa gawing kaliwa mula dito sa sala makikita mo ang terrace na kita mo ang nasa baba ng bundok. Simple lang pero maganda at malaki. May apat na pinto din ang magkakatapat na hula ko ay mga kwarto.

"Ang tagal naman nila." Ani Riley na agad naman dumaretso sa kusina. Sinundan ko siya doon. Gawa din sa kahoy ang mga kabinet doon. "Ginugutom ka na ba?"

"M-Medyo." Naiilang na sagot ko sa kanya.

"Gusto mo na bang kumain?" aniya at saka hinila ako paupo sa kahoy na upuan. Umupo din siya sa tabi ko at iniharap ako sa kanya.

Umiling ako. "Hintayin na natin sila."

"Alright." Aniya. Kinuha niya ang cellphone niya at may dinial doon.

"Sino yan?" Tanong ko. Nginitian niya lang ako.

"Hello, Celine..." Bakit niya tinawagan si Celine? "Pabili nga ng gamot si Hackie... Uhmm..." Hinawakan niya ang noo ko sunod naman ang leeg ko. Halos hindi ako makahinga sa ginawa niya. "Gamot sa lagnat... Pati na rin sa ubo at sipon..." Sabi niya ng hindi tinatanggal ang kamay niya sa leeg ko.

Binaba na niya ang tawag. "Wala naman akong ubo at sipon ah?" Sabi ko.

Ngumisi siya. "In case lang."

Pumalumbaba siya at pinatong niya ang siko niya sa lamesa. Naiilang ako sa titig niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay dahilan para lalong ngumiti ang ngiti niya. Oh my god. Nakakamatay. Kaya bago pa ako tuluyang mahimatay ay nag iwas na ako ng tingin.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa kirot na naramdaman ko. Napaayos naman siya ng upo at hinawakan din ang kamay ko na nakahawak sa ulo ko.

"Tara na, hatid na kita sa tutuluyan mong kwarto." Aniya at saka ako marahan na hinila paalis sa kusina.

Pero bago pa kami makarating doon ay dumating na sila Celine. Kahawak kamay niya si Kevin. Sumunod naman si Gabriel at Wade kasama ang mga kaibigan nila.

"Hackieeeeee!" Sigaw niyang nakakairita sa tainga. Hinila niya ang kamay ko mula kay Riley. Nagkatitigan kaming dalawa. Umiling nalang siya sa ginawa ni Celine.

"Ano! May lagnat ka daw?" Aniya saka hinipo ang noo ko.

"O-Okay lang naman ako." Sabi ko pero kay Riley pa rin ako nakatingin habang umuupo siya sa sofa katabi ni Kevin.

"Tsk! Hindi ka tuloy makakasama sa amin." Malungkot na sabi ni Celine.

Kumunot ang noo ko. Bumaling ako sa kanya. "Sino may sabi?"

Tinignan niya ako ng matalim. "Ano ka ba! Syempte may lagnat ka kaya kailangan mong magpahinga." Aniya.

"O-Okay nga lang ako." Medyo tumaas ang tono ng boses ko sa dulo.

"Magpahinga ka na." Ani Riley habang titig na titig sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Tumayo siya at lumapit sa akin ng hindi inaalis ang malalim niyang titig.

Kumalabog ang puso ko. Bakit ba ganito siya makatitig sa akin? Sinisindak niya ba ako? Kung illegal lang ang titig niya, matagal na siyang nakakulong.

Hinila niya ang kamay ko mula kay Celine. Pumunta na kami sa dulong kwarto dito kung saan ako matutulog.

"Kung pagpapahingahin niyo lang naman pala ako, e bakit sinama niyo pa ako dito?" Sabi ko nung nakapasok na kami sa kwarto.

Narinig ko muna ang buntong hininga niya bago pinaupo sa kama. Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang kamay ko.

"I'm sorry." Aniya. "Kung alam ko lang na mag kakasakit ka sana pala hindi nalang kita pinilit... I'm sorry." Sabi niya habang titig na titig sa akin. Kitang kita ko sa mata niya ang guilty na nararamdaman niya.

"O-Okay lang naman ako, Riley..." Sabi ko.

"No baby-"

"Really. I'm okay. Hindi niyo naman kailangan mag alala sa akin ng ganito."

"You can't blame me. Hindi ko maiiwasan mag alala sayo kasi mahalaga sa akin ang kalusugan mo." Aniya at hinawakan nang isang kamay niya ang pisngi ko. "Mahalaga ka sakin."

Once? Twice? I don't knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon