Chapter 11

68 2 0
                                    

Bigla nalang akong hinila ng lalaking ito papuntang parking lot. San naman niya kaya ako dadalhin? Kay mommy ulit?

"San mo ba ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya habang kinukuha niya ang susi sa bulsa niya.

"Sshhh. Kidnap 'to! Malaki din naman kikitain ko sayo." Sabay hagalpak niya ng tawa. Ay. Nababaliw na 'to.

"Alam mo, ikaw ata ang dapat kong dalhin sa Mental e. Nasisiraan ka na ata ng bait. Tssk tssk tssk." Sabay iling ko.

"Tss. Sumakay ka nalang kasi." Tingnan mo 'to, siya pa maaasar ngayon. Sumakay nalang ako ng sasakyan niya ng walang sinasabi.

Tahimik lang kaming umalis. Ni isa sa amin walang balak magsalita.

"Ehem... ehem.." Paglilinaw ko sa boses ko baka kasi pumiyok ako dahil halos kalahating oras din kaming natahimik.

Naagaw ko naman yung atensyon niya dahil traffic naman. Nakatingin lang siya sa akin kaya nailang ako. Nag iwas ako ng tingin.

"Nauuhaw ako." Paglilinlang ko sa kanya dahil masyado na siyang malagkit kung makatitig.

"Okay. Bili tayo mamaya pag may nadaanan tayong Ministop." Aniya.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Just wait, okay?" Saka siya ngumisi.

Hindi na ako kumibo pa. Umusad na rin kasi ang traffic. Maya maya may ministop kaming nadaanan. Nagpark siya.

"Tubig lang gusto mo? Nagugutom ka na ba?" Tanong niya.

"Medyo." Saka ako humagikgik. Natawa nalang din siya sa reaksyon na pinakita ko sa kanya.

"Sige. Dito ka nalang, ako nalang yung bibili." Tumango nalang ako.

Medyo natagalan siya. Siguro maraming bumibili. Nagkalkal nalang ako ng gamit niya. Hindi naman siguro siya magagalit sakin. Hindi naman siya sensitive e.

May nakita akong picture niya na may kasamang babae na pamilyar sa akin. Binaliktad ko at may nakita akong mensahe sa likod.

The love of my life. My bestfriend... And also my everything.

-ChiennaVillaflor

Nakita ko naman si Riley na palabas na kaya agad kong binalik sa pinaglalagyan ang picture. Nung pagkapasok niya ng sasakyan nginitian ko siya. Kumunot naman yung noo niya. Agad naman niyang nilabas ang mineral sa paperbag at inabot sa akin.

"Thanks." Sabi ko.

"You're.. Welcome." Tinignan naman niya ako na para bang nawiweirduhan sa akin. Wala akong ginawa kung hindi ang ngitian siya at isipin yung picture na nakita ko kanina.

Once? Twice? I don't knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon