Chapter 22

105 3 0
                                    

Pagpasok ko palang sa loob, kinakabahan na ako. Parang gustong tumakbo ng puso ko sa sobrang kaba.

Andun pa sila tita at mommy sa sala pero si Janelle at Kim ay wala na. Nasaan kaya sila?

"Andun sa pool side yung mga pinsan mo, Hackie." Nakangiting sambit sa akin ni tita Clarrice.

Tumango ako at naglakad na papunta doon. Lalong lumakas ang tigidig ng puso ko. Hindi ko alam kung maganda bang harapin sila ngayon.

Naabutan ko silang nakaupo sa kubo namin at umiinom ng ladies drink. Nakita ako ni Janelle at agad nag iba ang ekspresyon niya. Ngayon, paano ko siya kakausapin ng walang galit sa akin?

Lumapit pa ako lalo sa kanila. Palapit ng palapit lalong bumabagal ang paglalakad ko.

"Janelle-" Una palang ay agad na niya akong pinutol. Tumayo siya.

"How dare you to do this to me, Hackie." Tinuro niya ako. Kitang kita ko ang pagkamuhi niya sa akin. Tumayo na din si Kim para awatin siya.

"Listen to me-"

"You know I loved him, right?"

"Yes. But please, listen to me first-"

"Pinsan kita. Hindi ko akalain na gagawin mo sa akin 'to-"

"Hindi kami, Janelle." Mahinahon kong sabi. "Wala kaming relasyon. Maniwala ka." Nanliit ang mata niya sa akin.

Narinig ko ang buntong hininga niya.

"Sana nga hanggang jan lang yun." Aniya na nakapag pamutla sa akin. Nakatulala ako sa kanya habang lumalapit siya sa akin. Bumulong siya na nakapag pahina sa akin.

"Careful, Hackie. You don't know him well."

At saka siya umalis. Sumunod naman sa kanya si Kim. Iniwan nila ako dun na tulala.

No, Janelle. You don't know him. Napabuntong hininga nalang ako. Agad din naman akong umakyat sa taas at pumasok sa kwarto ko.

Ayoko nang iyakan ang mga ganitong bagay dahil nakakasawa na. Pero hindi ko pa rin maiwasan isipin ang itsura ng pinsan ko. Galit siya sa akin, alam ko. Halata sa boses at sa mga mata niya.

Nakatulog nalang ako nung gabing iyon dahil sa kakaisip. Siguro dala na rin ng pagod at medyo masama ang pakiramdam ko. Nagising lang ako nung nag ring ang cellphone ko. Nakapikit pa ang isang mata ko nung sinagot ko ito.

"Hello?" Medyo paos pa ang boses ko.

"Goodmorning, Hackie, wake up! Take a bath and I'll be there in 30." Saka lang ako bumalik sa ulirat. Anong oras na ba? My god! 2:30 palang nang madaling araw.

"Ang usapan natin diba 4:00 AM? Bakit napaaga?" Sabi ko.

"Excited ako, e." Narinig ko ang pag hagikgik niya. "Sige na, gumayak ka na. Hurry, Hackie." At binaba na niya ang tawag.

Ano ba yan. Tinatamad pa akong bumangon e. Sarap sarap ng pagkakahiga ko. Istorbo yung Riley na yun! Pero maya maya rin ay bumangon na ako, malay ko ba kung totoong 30 minutes lang ay nandito na siya? Baka maabutan niya pa ang morning face ko! Nakakahiya.

Kinuha ko ang tuwalya at agad nang pumasok sa banyo. Mabilis lang akong naligo kasi mag gagayak pa ako ng gamit ko. Hindi ko na naigayak dahil nakatulog ako kaagad.

Puro longsleeves ang dadalhin ko at pants. Vans nalang ang sosootin ko at magdadala nalang din ako ng tsinelas. Syempre, may dala din akong jacket.

Bumaba na ako. Naabutan ko naman na nakabukas ang pintuan namin. Hala! Hindi ba ito nailock ni mommy kagabi? Nagulat ako nung nakita ko si Riley na nakaupo sa sofa namin. Tinignan ko ang relo ko, 3:10 na pala. May narinig din akong nagluluto sa kusina. Gising si manang?

Once? Twice? I don't knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon