Chapter 14

89 2 0
                                    

"She's my friend, so back off."

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Nick sa kanya.

"Yea. You're just a friend." Ani Nick.

Tumaas ang kilay ni Riley sa kanya habang nakapamulsa ang dalawang kamay niya. Buti nalang nakapagitna ako sa kanila kung hindi, baka nagkagulo na dito.

"You're just a friend, either. Am I right, Hackie? Ofcourse, I'm right."

Nag igting ang bagang ni Nick at kumuyom ang kamay niya.

"What's your problem, bro? Namiss ko lang naman ang 'friend' mo." Dumiin ang huling sinabi ni Nick.

"Don't call me bro." Rinig na rinig ko ang irita sa pagsabi ni Riley nito.

Nakita kong susugod na si Nick palapit kay Riley kaya agad kong nilagay yung kamay ko sa dibdib niya para pigilan siya.

"Guys, stop it." Pigil ko sa kanila dahil magaabot na talaga sila.

Nagpapigil naman sa akin si Nick at tumingin sa akin habang nakakunot ang noo.

"I'm not the one who started. Siya." Sabay turo niya kay Riley.

"Ako?" Sabay turo ni Riley sa sarili niya at umaambang susuntok kay Nick.

"I said stop it." Naiirita na ako sa dalawang 'to.

Narinig ko naman ang mabigat na paghinga ni Riley kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya. Blanko lang nakikita ko sa mga mata niya.

"Please, Riley. Nick." Pumikit ako ng mariin ng naramdaman ko ang sakit ng ulo ko.

"Actually, may pasok ka pa Hackie, diba? Hatid na kita." Sabay hila ni Riley sa kamay ko.

"Wait-" Sabay hila din ni Nick sa kabilang kamay ko.

"Ah... Tama si R-Riley, may p-pasok pa ako, Nick. Pasensya na. Next time nalang." Sabi ko kay Nick sabay hila sa kamay ko.

Pumikit siya at yumuko. Narinig ko pagsinghap niya bago magsalita.

"Okay. So, text nalang?" Nag angat siya ng tingin sa akin.

"Okay." Agad naman akong hinila ni Riley palayo sa kanya. Nilingon ko muna si Nick na malungkot ang mukha habang nakatitig samin bago ko nilingon si Riley.

"Hindi mo na ako kailangan hiltakin." Sabay bawi ko sa kamay ko. Nakita ko naman na napaawang bibig niya sa ginawa ko.

"Sorry." Aniya. "San ba ang klase mo?"

"Sa Building B, room 14." Sabi ko sabay hawak ko sa ulo ko dahil kumikirot ito. Mukhang napansin naman iyon ni Riley.

Once? Twice? I don't knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon