Chapter 24

90 3 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Nagising nalang ako ng sobrang lamig. Ako lang mag isa dito sa kwarto. Nakabalot sa kumot. Unti unti akong bumangon. Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya pinikit ko ulit ang mata ko. Siguro naglibot sila?

Nagugutom na ako. Hindi kasi ako nag agahan at tanghalian. Bumangon ako at napagpasyahan na pumunta nalang ng kusina. Siguro naman may pagkain doon.

Pagkalabas ko ng kwarto ay sakto din ng labas ni Riley sa kwarto niya. (Katapat ng kwarto ko).

"Oh, ba't ka bumangon?" Aniya at lumapit sa akin.

Agad kong naamoy ang pamilyar niyang bango. Kumalabog agad ang puso ko. Ano ba yan, Hackie, wala pa naman siyang ginagawa pero naghuhuramentado na kaagad ang puso ko.

"N-Nagugutom na ako." I stuttered.

"Wala ka na bang lagnat?" Aniya at hinawakan ang noo ko pagkatapos ang leeg ko. Hindi ako makahinga sa ginawa niya. "May sinat ka pa ah."

"O-Okay lang ako." Sabi ko na hindi makatingin sa kanya.

Tinagilid niya ang ulo niya at tinignan akong nagtataka. Huwag mo akong tignan nang ganyan Riley. Baka malusaw ako ngayon sa kinatatayuan ko.

"Mahiga ka nalang dun, dadalhan nalang kita ng pagkain." Sabi niya. Akma niyang bubuksan ang pintuan pero nakaharang ako sa pinto kaya ang nangyare ay parang aakapin niya ako. Nagkadikit na ang katawan namin. Lalo lang akong nag init. Ilang mura na rin ang nasabi ko sa utak ko.

Lalo lang akong nahirapan huminga at hindi makatingin sa kanya. Uminit ang pisngi ko nung lalo siyang lumapit para maabot ang doorknob. Napaatras ako kaya medyo humilig ako sa pintuan.

"Hey, Hackie, okay ka lang ba talaga?" Aniya saka hinawakan ang magkabilang balikat ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"O-Oo."

"You don't look okay." Hinawakan niya pa ang noo ko.

"God, Riley. I said I-I'm okay." Sabi ko saka siya tinulak ng marahan at pumunta sa kusina.

Sumunod naman siya sa akin at inunahan ako sa paglalakad para higitin papuntang sofa. Inupo niya ako doon at umalis. Sinundan ko siya ng tingin at pumunta siya sa kwarto na tinutuluyan ko. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Paglabas niya, dala dala na niya ang comforter na kulay white.

Lumapit siya sa akin at nilagay sa lap ko ang comforter.

"You stay here." Aniya at saka kinuha ang remote at sinindihan ang T.V. at inabot iyon sa akin. Tinagilid ko ang ulo ko at saka siya tinitigan. Ngumiti lang siya at kinindatan ako.

Fvck, Fuentaverde. Wag mo akong kindatan nang ganyan baka tanggalin ko ang talukap mo. Argh! Parang kiniliti ang tiyan ko sa kindat niyang iyon.

Hindi rin din nagtagal ay bumalik na siya dala ang tray na may laman ng pagkain ko. Nilapag niya iyon sa kaharap namin lamesa at hinila iyon palapit sa inuupuan kong sofa.

Tumabi siya sa akin. Tinignan ko naman yung pagkain na nakahain sa harap ko. Ito yung pinabaon sa amin ni mommy. Wala rin naman akong gana kaya konti lang din ang nakain ko.

"Kumain ka pa." Ani Riley pero umiling lang ako at inabot ang gamot ko para inumin iyon.

"Kamusta na pakiramdam mo?" Tinignan niya ako nang parang nag aalala siya.

"Mas maayos naman na kesa kaninang umaga." Sabi ko, nag iiwas ng tingin.

"Uhmmm..." Nangangapa ako ng sasabihin. "Asan nga pala sila Celine?"

"Naglibot." Simple niyang sagot.

Sumandal siya sa sofa at hinilig niya ang ulo niya doon at pumikit. Tinagilid ko ang ulo ko at pinagmasdan siyang mabuti. Kitang kita ko ang makurba niyang mga pilikmata, matangos na ilong, at yung labi niyang mapula at may hubog. Lumunok siya kaya nakita ko ang pag galaw ng adam's apple niya. Ganun lang naman ang ginawa niya pero manghang mangha na ako. Ni hindi niya nga alam na may epekto pala siya sa akin nang ganito. Para sa kanya, simple lang ang bawat ginagawa niya.

"Baby..." Aniya at saka dinilat ang mga mata at tumingin sa akin. Kumunot ang noo niya nung napansin niyang kanina pa ako nakatitig sa kanya. Uminit ang pisngi ko kaya nag iwas ako ng tingin.

Narinig ko ang munting halakhak niya na lalong mas nagpainit sa pisngi ko.

"Namumula ka nanaman." Aniya. "Wa'g ka nang mahiya na para bang first time mo lang akong tinitigan na parang may gusto ka sakin." Humalakhak siya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Tss." Tsaka ko siya inirapan. Lalo lang siyang tumawa.

"Sungit."

"Ansabe mo?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Wala!" Aniya habang kinakamot ang ulo. "Masungit na pikon." Halakhak niya.

Hinampas ko ang braso kaya humagalpak na siya ng tawa. "Hindi ako pikon ah!" Inis kong sigaw sa kanya saka hinampas ulit ang braso niya ng paulit ulit.

"Oy! Oy! Tama na!" Tawa niya. "Akala ko ba hindi ka pikon?"

"Tss." Inirapan ko nalang at saka nanood nalang ng TV. At siya, hindi pa rin tumitigil sa kakatawa.

"Ano ba!" Bulyaw ko sa kanya. Hinawakan na kaagad niya ang dalawang kamay kong ipang hahampas sa kanya.

"Ang sungit talaga." Nakangiti niyang sinabi. "Ang sungit, ang taray, ang arte, pikon pa." Kumunot ang noo ko kaya lalong lumaki ngisi niya. "Ewan ko ba kung bakit nagugustuhan ko yun."

Nagugustuhan? May gusto siya sa akin? Diba sabi nila pag tanggap na nang iba ang ugali mo, ibig sabihin nagkakagusto na sila sayo? May gusto na ba siya sa akin?

"Naglilihi ka na ba, baby?" Humalakhak siya.

"OH MY GOD!" May OA na sumigaw sa likod ni Riley. Tumingin ako doon at nakita ko ang nanlalaki na mga mata ni Celine at laglag na panga nina Leo, Kris at yung dalawang babae. Samantalang yung Jonas Brothers naman ay nakangisi na.

"Congrats bro!" Ani Kevin sabay tapik sa balikat ni Riley.

Lalong kumunot ang noo ko. Hinila kaagad ako ni Celine patayo. "Oh my god Hackie! Ilang months na ba ang tiyan mo? Bakit hindi mo man lang sinasabi sa akin!?" Nakasigaw niyang sabi sakin. Blankong ekspresyon ko naman siyang tinignan. Tiningnan ko din si Riley na walang ginawa kung hindi ngumisi at tanggapin ang mga papuri ng mga kaibigan.

"Grabe, bro. Ang bilis mo naman makabuo." Ani Gabriel. Lalo lang silang nagtawanan.

"You're the man!" Ani ni Wade at nakipag apir pa kay Riley. Mga gago!

"Alam na ba 'to ni Tita? O nung kuya mo? Nagpacheck up ka na ba?" Sunud sunod niyang tanong.

"Shit! Ninang na ako!" Tili ni Celine habang niyuyugyog ako.

"I'm not pregnant." Simple kong sinabi na nagpatigil sa kanila. Si Riley lang yung bumubungisngis. Kumunot naman ang noo ni Celine at tinignan ng masama si Riley.

"Oh, wala naman akong sinabing buntis siya. Wag kasi agad nag co-conclude." Lalo siyang tumawa. Tinignan niya ako at kinindatan.

"Oh, siya, hatid ko muna si Hackie sa kwarto niya para makapag pahinga na." Ani Riley at hinila na ako palayo sa mga kaibigan namin. Bigla naman niya akong inakbayan nung malapit na kami sa kwarto ko.

"At para makabuo na rin." Humalakhak siya nung nakitang masama na ang tingin ko sa kanya.

"Gago!"

Once? Twice? I don't knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon