Chapter 21

96 2 0
                                    

"Let's talk but not here, Hackie." Mahinahon niyang sinabi at kinaladkad ako papasok ng sasakyan niya. Pipiglas sana ako kaya lang wala na akong lakas dahil sa sobrang pag iyak ko.

Hinintay ko siyang pumasok sa driver's seat. Pagkapasok palang niya ay hinampas ko na ang braso niya sa sobrang inis ko! Argh!

"Ouch." Ininda niya ang sakit pero nagdrive lang siya.

Walang tigil ang luha ko sa sobrang frustrated ko sa kanya. Hininto niya ang sasakyan niya sa tapat ng building ng condo niya. Humarap siya sa akin at humalukipkip.

"Hindi kami nagkikita ng pinsan mo, Hackie. Nagulat nalang ako nung bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Wala akong alam na nandun ka-"

"Kaya ka nagpahalik kasi akala mo wala ako dun?"

Narinig ko ang pagsinghap niya.

"Hinabol kita nun pero hindi na kita naabutan. Nakita kitang sumasakay sa taxi."

"So what is your point?" Mataray kong sinabi sa kanya. Humupa na ang luha ko pero hindi ko pa rin siya tinititigan.

Humilig siya sa kinauupuan ko at inabot ang mga kamay ko. Binawi ko naman ito pero kinuha niya ulit at mahigpit na hinawakan.

"My point is..." Inangat niya ang baba ko para magpantay tingin namin. "Ikaw ang pinili ko."

Kumunot ang noo ko. "Option ba kami ni Janelle na kailangan mong pagpilian?"

"No." Aniya at hinalikan ang kamay ko. May naglakbay na kuryente sa katawan ko. "Ang sa akin lang, ay isipin mo sanang wala akong pinipiling iba kung hindi ikaw lang."

Gusto kong kiligin sa sinabi niya pero lalo lang akong nagalit.

"Sinaktan mo ang pinsan ko para lang sa akin? Yun ba ang gusto mong iparating?" Nanliit ang mata ko sa kanya.

"H-Hindi! Ano ba naman yang iniisip mo. Don't look at that way!"

"Wala akong makitang ibang dahilan sa sinabi mo sa akin. You hurt my cousin and you want me to believe that you don't?" Nangilid ulit ang luha ko. Binawi ko ulit ang kamay ko pero kinuha niya ulit.

"Hackie-"

"Don't touch me!" Sigaw ko sabay hampas sa kamay niya para hindi na niya ulit ako mahawakan. Pumikit siya ng mariin ng nakita niyang may lumandas na luha sa mata ko.

"Do you love me, Hackie?" Mahinahon niyang tanong.

Natahimik ako sa tanong niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Oo? kaso natatakot ako dahil baka iwan niya lang ako sa oras na malaman niya. Hindi? Kaya lang, pano kung mahal niya rin ako?

"I hate you!" Yun lang ang nasabi ko.

"You hate me when I am with your cousin?" Aniya. Humikbi lang ako dahil wala na akong masabi. "You're jealous because you are inlove with me." Hindi iyon tanong. Sinabi niya iyon para mapaamin ako.

Once? Twice? I don't knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon