Chapter 8

147 4 0
                                    

Riley's P.O.V

Andito ako ngayon sa bahay namin. Maaga palang, busy na ang lahat sa paghahanda ng party ni mommy at ni Kathareena. Aalis na kasi sila ulit bukas e, babalik na sila sa France. Sinundo na ulit sila ng step father ko.

Hindi ako sumama sa kanila sa France dati dahil ayoko siyang makasama. Mas gusto ko nalang dito sa Pilipinas. Atleast, kahit hindi ko nakakasama madalas ang totoong ama ko, alam kong madali ko lang siyang malalapitan.

Kaya ako wala sa mood nung isang araw na kasama ko si Hackie, dahil alam kong aalis na ulit ang mama at kapatid ko.

Flashback.....

Pagkaalis ni Hackie, umalis na rin ako. Agad naman akong dumiretso sa Parking lot. Nung nagda-drive na ako papunta sa condo, bigla naman nag ring ang cellphone ko. Kinuha ko 'to at nakita si mommy ang tumatawag. Agad ko naman itong sinagot.

"Oh? Mommy, napatawag ka? May problema ba?"

"Wala naman anak. Punta ka naman dito sa bahay oh. Bago kami umalis ulit ni Kathareena." Nung narinig ko iyon, agad naman akong pumunta sa bahay namin.

"Kuya!" Salubong sa akin ni Kathareena.

"Nasan si mommy?"

"Andun sa sala kausap ni papa." Oo. Papa ang tawag niya sa step-father namin kasi eto na ang nakalakihan niyang ama. Agad naman akong pumunta sa kinaroroonan nila mommy.

"O, Riley. Andito ka na pala." Biglang sabi ni Charlie. Step-father ko. Hindi ko nalang siya pinansin. Tuloy tuloy  lang akong humalik kay mommy at umupo sa tabi niya.

"Kelan alis niyo?" Agad kong tanong sa kanya.

"Sa isang araw na." Napabuntong hininga muna ako bago ulit magsalita.

"Wala pa kayong one month dito, aalis na ulit kayo? Hindi ba pweding paabutin muna ng one month?" Sabi ko kay mommy na nakikinig lang sa akin. Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko na naupo si Kathareena sa tabi ni Charlie.

"Hindi pwede. Nag aaral ang kapatid mo dun at saka may trabaho ang mommy mo." Sagot naman ni Charlie.

"Edi mag-stay nalang sila dito for good. Pwede naman yun e. Diba mommy?" Lumingon naman ako kay mommy.

"Anak, sumama ka nalang kasi sa amin sa France." Bumuntong hinga ulit ako bago tumayo.

"Ayoko." Sabay halik ko sa noo ni mommy. "Alis na ako."

"Riley." Hindi ko nalang pinansin si mommy nung tinawag ako. Pasakay na ako ng sasakyan ko nung biglang may nagsalita sa likod ko.

"Kelan ba tayo magkakasundo?" Ramdam ko ang lamig ng boses niya. Ni Charlie. Lumingon ako para tignan siya.

Once? Twice? I don't knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon