Chapter 28

52 2 0
                                    

Back to reality. Pasukan nanaman at kailangan nanaman namin mag enroll.


Gumagayak na ako kasi papunta na daw si Celine sa school at magkita nalang daw kami sa tapat ng library. Biglang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nag text. Tinignan ko yun, it's from Riley.



Riley:


Goodmorning. See you later.



Napangiti ako. Simula nung pag uwi namin galing Baguio, lagi na ako nakakatanggap ng text mula sa kanya at hindi ko maipagkakaila na nagugustuhan ko iyon.


May mga bagay talaga na mas nagugustuhan mo kahit simple lang. Yung napapangiti ka nalang kahit na simpleng text lang. Siguro, ganun nalang siya kahalaga sa akin kaya kahit ultimo pag titig niya sa akin, binibigyan ko ng meaning.



Ako:


See you.



Nagpaalam lang ako saglit kay mommy at umalis na kaagad sa bahay.

Malapit na sana ako sa pagkikitaan namin ni Celine ng may humarang sa harap ko.


"Hi!" Bati ni Nick habang nakangiti.


"Oh, Nick!" Sabi ko nang hindi makapaniwala.


"Long time no see, crush." Aniya habang natatawa.


Nabigla ako sa sinabi niya at uminit na rin ang pisngi. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay sa mga biro niya.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko, binaliwala ang sinabi niya.


"Mag eenroll." He chuckled.


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Lalo lang siyang napangisi.


"Gusto ko kasing araw araw na makita ka, kaya ako lumipat." Kumindat pa siya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nag iwas nalang ako ng tingin.


Magsasalita pa sana siya nung biglang may umakbay sa akin. Nagulat ako kaya nilingon ko kung sino iyon kaya lang ay nakatingin din pala siya sa akin kaya nahalikan niya ako sa labi. Nanlaki ang mga mata ko. Nakita kong nabigla din siya kaya agad niyang inilayo ang mukha niya sa akin. Nakita kong napaawang ang bibig niya.


Oh sh1t! Oh sh1t! My first kiss! Kahit smack lang iyon, naghuhumarentado pa rin ang puso ko! Uminit ang pisngi ko at feeling ko sasabog na ito.

"Uh..." Hindi niya mahanap ang tamang sasabihin niya.


Nakita ko naman na nakakunot na ang noo no Nick sa nakita niya.


Bigla naman dumating ang Jonas Brothers kasama si Celine. Narinig ko agad ang halakhakan nila.

Once? Twice? I don't knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon