Chapter 12

80 2 0
                                    

"S-stop it, Riley." Saka ako tumayo at hindi ko alam ang gagawin ko. Narinig ko naman ang halakhak niya kaya tiningnan ko siya ng matalim.

"Oh, don't look at me like that. Stop seducing me." Aniya kaya lalo kong kinunot ng noo ko.

Hindi ko nalang siya pinansin. Tinuon ko ang pansin ko sa cellphone dahil kailangan kong tumawag sa pinsan ko at tiyak magaalala yun sa akin.

Dinial ko ang number niya pero hindi niya ito sinasagot. Baka tulog na? Pero maaga pa, e. Hindi siya ganitong oras matulog.

Tumawag nalang ako sa landline. Nung sinagot na, inakala kong si Joeharra pero si manang pala.

"Hello, manang."

"Hackie?"

"Y-yes po. Anjan po ba si Joeharra?"

"Wala e. Umalis, kasama yung boyfriend niya." Nagtataka naman ako kung saan sila pupunta ng ganitong oras.

"Saan po nagpunta?"

"Hindi ko alam, e."

"Anong oras po babalik?"

"Siguro maya-maya nandito na yung dalawa." Tumango ako kahit hindi iyon nakikita. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita ulit.

"Ah, m-manang pakisabi nalang po na hindi ako makakauwi ngayon."

"Oh, bakit naman?"

"Bukas ko nalang po ipapaliwanag." Buntong hininga ko.

Hindi rin nagtagal ay binaba ko na rin ang tawag ko kay manang.

Nilingon ko si Riley na naghuhubad nang sapatos at ng medyas niya. Pagkatapos nun, tumayo siya at naglakad papuntang CR. Bago pa siya makapasok ay hinubad na niya ang kanyang t-shirt. Nakita ko ang maganda niyang likod na may tattoo na hindi ko naman maintindihan kung ano iyon.

Masyado na akong nahumaling sa kanyang likod. Nawala lang ako sa pagtitig dun nong nilingon na niya ako.

"Shower lang ako." Nakita ko ang ngisi sa kanyang mga labi. God, Hackie. Nakakahiya. Tumango lang ako at agad nang tumalikod sa kanya. Narinig ko naman ang kanyang paghalakhak. Damn, Fuentaverde.

Pagkapasok niya ng CR, wala akong ginawa kung hindi ang tumunganga lang at hinihintay ang pag labas niya doon. Kailangan ko na din kasing maglinis ng katawan. Ang lagkit na kasi ng pakiramdam ko.

Maya maya ay lumabas na rin siya at hinayaan niya lang akong pumasok doon ng walang sinasabi. Buti nalang at lagi akong may dalang damit pamalit kasi minsan, nag su-swimming ako sa school.

Mabilis naman akong natapos maligo. Pagkalabas ko, nakita ko siyang nakaupo lang sa sofa at nanonood ng kung anu-ano.

Once? Twice? I don't knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon