Chapter 6

121 2 0
                                    

Hackie's P.O.V

Papunta na ako sa condo ni Riley. Traffic kaya matatagalan pa akong makapunta doon. Tssk! Kainis ang traffic talaga! Hindi naman sa excited akong makita ang gung-gong na yun kaya lang ayoko din ng ganitong traffic. Nakakabanas kumbaga!

Gusto ko lang ng makakasama, gusto ko ng tahimik. Hindi ako sumama kay Celine sa mall dahil alam kong dadaldalin lang ako ng babae na yun.

Nung makarating na ako sa parking lot ng tinutuluyan niyang condo agad naman akong pumasok. Hinintay ko nalang bumukas ang elevator. Nung bumukas na ito, agad naman akong naglakad papunta sa unit niya. Nung bubuksan ko na ang pinto bigla siyang lumabas. Muntik na akong mapatalon sa gulat.

"Haru jusko! Riley! Papatayin mo ba ako sa gulat huh!?" Sabay hawak ko sa dibdib ko.

"Sorry. Hindi ko naman alam na nandiyan ka na." Naagaw naman ng pansin ko ang kanyang soot. Simpleng sando at maong na pedal saka naka-tsinelas lang siya.

"Saan ka naman pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Bibili ng pagkain." Simpleng sagot niya.

"Ah." Yun lang ang naisagot ko.

"May gusto ka bang kainin?" Biglang tanong niya.

"Ah, wala naman." Sabi ko sa kanya.

"Okay." Akmang aalis na siya nung pigilan ko siya.

"Ah, Riley. Gusto mo, ipagluto nalang kita?" Nakita ko naman ang expression niya na hindi siya makapaniwala sa alok ko. Nahiya naman ako kaya iniba ko ng direksyon ang tingin ko.

"Wag na. Baka mamaya lagyan mo pa ng lason ang pagkain ko." Hindi mo masasabing nagbibiro lang ito dahil seryoso ang muka niya. Na-offend naman ako dun.

"Kung gusto kitang lasunin, de sana matagal ko nang ginawa yun!" Sabay sibangot ko.

"Okay. Sige. Kaya lang wala akong stock jan e. Bibili nalang ako." Saka siya tumalikod sa akin at nagsimulang maglakad. Pero natigilan siya nung tinawag ko siya sa pangalan niya.

"What!?" Masungit na sabi niya.

"S-sama ako." Naiilang na sabi ko sa kanya.

"Wag na. Jan ka nalang."

"Pe-pero gusto kong sumama." Pagmumuryot ko.

"Tssk! Sinabing jan ka nalang e." Medyo pasgaw niyang sabi sakin.

"Fine!" Sigaw ko pabalik sa kanya saka pumasok sa loob ng condo niya.

Nakakainis! Anong bang problema niya!? Tssk! Nagulat naman ako nung biglang bumukas ang pinto at nakita ko siyang nakatayo sa likuran ko.

Once? Twice? I don't knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon