Chapter 39

42 1 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit ako medyo natagalan sa loob. Pagkalabas ko, naabutan ko si Riley, may kausap na babae. Medyo lumapit pa ko para amkita kong mabuti kung sino iyon. Madilim kasi sa pinwestuhan niya. Nanliit ang mga mata ko habang inaaninag ang mukha ng babaeng pamilyar sa akin.

"Ha-Happy Birthday, Riley." Ani Chienna at umambang hahalikan sa pisngi si Riley pero umiwas siya.

"Thanks, Chienna." Malamig pa sa yelong sabi ni Riley.

napaisip ako kung yung sinabi ba sa akin ni Riley ay totoo. Does he really wanted to court me? Gusto na niya ba ako? Mahal niya na ba ko? Parehas ba kami ng nararamdaman para sa isa't isa? O gusto niya lang gantihan si Chienna sa pananakit sa kanya? May kaonting kirot akong naramdaman sa puso ko.

Umamba akong tatalikuran na sila nang biglang lumingon si Riley sa kinatatayuan ko.

"H-Hackie." Aniya tapos bumaling kay Chienna na nakatingin na din sa akin. Nag jog si Riley papunta sa akin.

"Bakit ang tagal mo sa loob?" Tanong niya nung nagkaharap na kami.

Hindi ko matanggal tanggal ang tingin ko kay Chienna. Why is she here? Is she stalking Riley again?

"Hey..." Ani Riley at hinawakan ang dalawang kamay ko kaya napatingin ako doon. "Balik na tayo, baka hinahanap na nila tayo."

Tinignan ko ulit si Chienna na pinapanood lang kaming dalawa.

"Sama ka, Chienna?" Tanong ko.

Umaliwalas ang mukha niya sa sinabi ko. Para bang hinihintay niya lang talagang ayain siya.

"P-Pwede ba?" Tanong niya.

"Oo naman."

Naramdaman ko naman humigpit ang hawak ni Riley sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Ayaw mo?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Huminga siya ng malalim bago ako tinitigan sa mata.

"If that's what you want." Sabi niya bago ako hilahin.

Naramdaman kong sumunod naman sa amin si Chienna. Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko. Sobra sobra ang selos ko pag nakikita ko si Chienna pero gusto ko pa din na nandito siya para makita ko kung naaapektuhan pa rin ba si Riley sa nangyari sa kanila dati. Pero ayoko din naman na nakikita si Riley na parang okay lang sa kanyang magkasama pa din sila. Ewan ko! Ang gulo.

Pagdating namin sa seashore, nagkakasiyahan na ang mga kaibigan namin. Halatang lasing na si Celine, buti nalang anjan si Kevin para umalalay sa kanya.

"Truth or Dare!" Sigaw ni Celine saka tinaas sa ere ang hawak niyang boteng walang laman. "Ang hindi sumunod sa utos or sumagot sa tanong, iinom ng three shots ng whisky."

Umupo ako sa kinauupuan ko kanina, tumabi din sa akin si Riley tapos tumabi naman sa kanya si Chienna. Errr! Nakaramdam ako ng inis sa ginawa niya. Pero nung mas lalong lumapit sa akin si Riley gusto kong magdiwang. Baliw na ata ang nararamdaman ko.

Nagsimula ang laro namin at unang tumapat ang nguso ng bote kay Wade.

"This is corny! Fvck!" Ani Wade. Nagtawanan lang kami sa naging reaction niya.

"Whatever, Wade! Truth or Dare?" Tanong ni Kevin habang nakaakap kay Celine mula sa likuran.

"Dare, of course! You'll ask me so annoying question if I say Truth. Tss." Inirapan niya si Kevin. Ang arte ng isang 'to. Haha!

"Fine! You see that bonfire there, dude?" Sabi ni Gabriel sabay turo don sa kabilang dako ng shore na may grupo ng mga babae at may bakla din. "Get the number of one of them."

Once? Twice? I don't knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon