Chapter 1

52.7K 684 43
                                    

WARNING‼️ This story is my original work. Please remember that it is protected by copyright, so unauthorized copying or sharing isn't allowed.

Please follow my account for more gxg/intersex stories: letmebed1

Don't forget to leave a mark. Vote and Comment. Thank you, ♡♥︎

______________________________


Thea Sebastian

Nagsimula ang love story namin ni Kalie (Ka-lee) sa isang bar. Broken-hearted ako noon dahil binasted ako nong nililigawan kong girl na taga probinsya. Pinagtatawanan niya ako kasi para daw akong tanga. Simula noon we became friends hanggang sa nadevelop ang feelings naming dalawa at naging lovers kami.

Lahat ng iyon narewind na naman sa utak ko. Akala ko tuloy noon may forever na.

"Thea, andito na yong mga karne at gulay." si Tam short for Tamiya, isa sa mga kaibigan ko. Isang loyal friend. Sexy, short hair as in undercut, pero mahilig pa rin itong mag ayos kagaya ng isang babae. Madalas basag trip lang ang peg niya, happily taken. Kasama ko siya sa aking munting negosyo.

"Paki-deretso na lang sa kusina Tam."

"Okay, pero bakit malungkot ka na naman?"

"Wala 'to."sagot ko.

"Sus, naghihistory ka na naman. Si Kalie na naman yan 'no?"

"Hindi, ah."natatawang saad ko. Mas mabuti nang hindi niya alam ang nasa isip ko.

"Naku, wag ako! Ikaw pa ba maglilihim sa akin? Alam ko iniisip mo na naman siya. Ano hindi ka pa move on?"

"Move on na ako, hindi lang kasi nawawala agad yong sakit."

"Sabi na, eh. Hindi ka pa totally move on. Alam mo, humanap ka na kaya ng iba. Si Yesa, bigyan mo kaya ng chance."

"Sira! Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Isa pa, ayokong masira ang friendship nating tatlo."

"Naku tigilan mo ko. Alam ko bumibwelo ka lang, ta's malalaman ko may bago ka na ulit."

"Wala!"

"Aysus! Di ako maniniwala sayo."

"Loka ka talaga Tam."

Dalawang taon na rin kaming magkasama dito sa "Boss T Canteen", nagresigned din siya sa trabaho dahil sa stress. Kaya mas pinili niyang magtrabaho rito kasama ako.

Okay naman ang takbo nitong negosyo nong una pero nong nagsulputan na ang mga kainan dito sa lugar namin, nagsimula na itong maging matumal.

"Kumuha lang muna ako ng bente kilo na karne, ah. Kakasya na siguro yan dahil iilan naman ang customers natin sa maghapon, baka nga marami pa matira diyan."

Nagpapaliwanag pa siya habang ako naman ay nakatingin sa kabilang eatery na maraming kumakain.

"Ano kaya kung sumuko na tayo, Tam? Parang palugi na tong negosyo natin, magtry kaya tayo ng iba?"

"Ano ka ba naman, Thea! Laban lang! Wag mo isipin yong iba, kung marami silang customer e ano magagawa. Sa susunod tayo naman ang dadagsain, hmmm pero sabagay may point ka. Ano kaya kung gawin na lang natin itong Nightclub tapos tayo yong sasayaw?"

Pareho kaming natawa.

"Baka masapak ako ng Tatay ko pag kinonvert ko to sa Club."

"Malay mo naman okay pala sa kanya. Ay, andiyan na pala si Cookerist, admirer mo."

The Runaway Bride (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon