Author's Note: You've reached this chapter! If you enjoyed reading this story, please consider liking the chapters and leaving a comment. And kindly follow my account for more gxg/intersex stories: letmebed1
Thanks! ;)
_______________________________
Thea Sebastian
Dammit!
Nandito ako sa harap ng salamin dito sa loob ng banyo, pinagmamasdan ang marka sa leeg ko na iniwan ni Kalie! Sa sobrang kalasingan ko nag-iilusyon ako na si Ellyse ang humahalik sa akin kagabi. Huli na nong mapagtanto ko na si Kalie ang kahalikan ko.
Wala na talaga! Ramdam na ramdam ko ang pag-iwas niya sa akin. Ni halos ayaw akong titigan sa mata, umiiwas siya kapag gusto ko siyang kausapin. Baka iniisip niya na manloloko ako na hindi totoong mahal ko siya.
Lumabas na ako ng banyo, nagtataka ako nang lapitan niya ako.
"Thea, pwede ba akong umakyat saglit? Gusto kong umidlip kahit ten minutes lang. Ikaw muna bahala sa kaha."sabi niya sabay abot ng susi sa akin. Kinuha ko ito at umakyat na siya sa taas.
Nilapitan ko agad si Tam at kinausap.
"Aakyat lang ako saglit. Ikaw muna bahala sa kaha."pinasa ko sa kanya yong susi.
"Okay sige."
Umakyat ako at sinundan si Ellyse, nakaupo siya sa sofa at nakapikit siya.
"Ellyse."tawag ko sa kanya at mukhang nagulat siya. Bigla siyang umayos ng upo. Alam kong iiwas siya pero hinawakan ko agad ang braso niya.
"Pwede ba akong magpaliwanag sayo?"
"Tungkol saan?"sabi niya sabay bawi ng kamay niya.
"Nalasing ako kagabi. Akala ko ikaw yong humahalik sa akin."
Natatawa siya.
"Thea, hanggang kailan mo ba iisipin na pwede tayong dalawa?"
Tinitigan ko siya sa mata pero umiwas agad siya ng tingin. Ang cold niya.
"I'm sorry, sige pahinga ka muna. Baba muna ako." Hinayaan ko na lang. Ang kulit ko naman kasi! Sabagay, kahit anong gawin ko wala lang naman sa kanya iyon. Mapilit kasi talaga ako. Na-fall agad ako sa kanya, ang sakit lang dahil hindi ako sinalo.
Nandito na ulit ako sa baba.
"Ayiiie! Masarap ba kagabi, Thea?" heto na naman si Tam. Mang-aasar na naman.
"Ano ka ba, ha? Type mo ba si Kalie para sa akin?"
"Ewan ko, natatawa lang ako sayo."
"Sige! Liligawan ko na lang ulit si Kalie para maging masaya na kayo para sa akin!"sigaw ko. Sakto naman ang pagbaba ni Ellyse. Okay lang na marinig niya. Wala naman siyang paki-alam!
Move on, Thea! Kulit mo rin, eh! Ayaw nga sayo! Tapos may kiss mark ka pa sa leeg, eh di mas lalong aayawan ka dahil ang akala malandi ka! Malandi ka!
"Baliw ka Thea, nagbibiro lang ako, uy."si Tam.
"Anong nangyayari sayo, ha?"si Yesa.
"Wala!"sagot ko.
Ang tanga ko kasi talaga! Sinabihan na nga ako ni Ellyse na hindi pwede. Hindi pwede! Pinilit-pilit ko pa! Eh di, anong napala ko?!
Tinanggal ko ang plaster tape sa leeg ko at hayaang makita nila.
Tawa ng tawa si Tam.
Para saan pa ba na itago ito. Wala namang paki-alam si Ellyse! Wala na rin akong paki-alam!
![](https://img.wattpad.com/cover/318634421-288-k965685.jpg)
BINABASA MO ANG
The Runaway Bride (GXG) ✔
Romance[Completed] Mature content | SPG | R-18 | Girl Love Simple lang ang buhay ni Thea Sebastian na umiikot sa maliit na negosyo, pamilya at mga kaibigan. Chill lang ito kahit madalas siyang tuksuin dahil mukhang hindi pa ito totally nakamove on sa ex ni...