Chapter 5

7.1K 301 15
                                    

Thea Sebastian

"Thea, sobrang sakit ng tiyan ko!!!!"si Ellyse sumisigaw sa loob ng banyo. Pabalik balik siya doon.

"Pinabili ko na ng gamot si Tam."

"Sobrang sakit as in...."sigaw ulit nito.

"Ano ba'ng nangyari? Nagkakaganyan yang babaeng yan? Ano bang kinain niya?" si Yesa na halata mo namang nag aalala rin.

"Kwek kwek at singkamas na may bagoong."

"Ha? NagLBM na siya dahil do'n?"

"Oo eh, pareho lang naman kami ng kinain kaso ewan ko. Hindi ata siya sanay. First time ata niya."

"Seryoso?"

"Seryoso."sagot ko. Nakailang balik na siya sa banyo pero hawak pa rin niya ang tiyan niya habang namimilipit sa sakit

"Inumin mo 'to. Pag hindi pa maging okay dadalhin na kita sa hospital."

"No, ayokong pumunta ng hospital."sagot niya saka niya ininom yong gamot.

"Thea, bantayan mo na lang muna yang babaeng yan, kung anu-ano kasing kinakain. Kami na muna bahala ni Tam sa baba."

"Kakayanin niyo ba iyon?"

"Hindi, pero tatawag ako ng tropa na pwedeng tumulong sa amin. Monitor mo yan delikado yan baka madehydrate baka dito pa yan malagutan ng hininga."

"Yesa pwede ba?"

"Oo na! Sige, baba na ako."

"Bakit ba lahat sila galit sa akin?"naiiyak na saad ni Ellyse habang namimilipit sa sakit ng tiyan. Ayoko sanang pansinin yong sinabi niya kaso natatawa ako.

"Nagbibiro lang yon, pero nag-aalala sayo si Yesa." Sobrang namimilipit siya sa sakit kaya hinayaan ko munang humiga siya sa kama. Sinipat ko ang noo at leeg niya, meron itong konting lagnat. Naghanap agad ako ng gamot para sa lagnat at pinainom ito sa kanya. Masyado akong nagaalala sa kanya. Nakaupo ako rito sa tabi ng kama at pinagmamasdan siya habang nagpapahinga. Hinaplos ko ang buhok niya at naramdaman kong yumakap siya sa bewang ko.

"Magpagaling ka Ellyse."

"Huwag mo akong iiwan please."

"Hindi kita iiwan, nandito lang ako. Promise." Hinayaan ko na siyang makatulog sa tabi ko. Ni hindi ko na namalayang nakaidlip din ako habang nakasandal sa head board ng kama. Nagising ako, at nakayakap pa rin siya sa bewang ko.

Napangiti tuloy ako sa loob loob ko.

Tumayo ako at bumaba, dahil kailangan ko siyang pakainin. Kukuha lang ako ng pagkain.

"Thea, eto na lang ipakain mo sa kanya, nagluto ako ng lugaw. Sopas dapat kaso baka bawal pa sa kanya ang gatas. Tapos eto saging."

"Salamat Yesa. Sana nga kumain siya."

"Aba, dapat lang siyang kumain kung ayaw niyang lumala yang sakit niya."

"Pipilitin ko siyang pakainin. Kumusta naman kayo ni Tam dito? Okay lang ba kayo?"

"Oo naman. Ayon, tinawag ko yong dalawang tropa. Sabi ko sagot ko na pulutan at pang toma nila mamayang gabi. Ayon pumayag kaya walang problema. Kaming bahala rito."

"Salamat. Maasahan ko talaga kayo."

"Sus, wala iyon." saad niya at bumalik na siya sa pagluluto. Si Tam naman nakita kong papalapit sakin.

"Ano naka score ka na ba?"

"Gagi ka alam mo yon? Ano akala mo sakin, tirador pag mahina ang target."

"Alam mo ba ang dami mong karibal? Isipin mo kanina pa sa akin hinahanap ng mga customer si Ellyse. Kaya lang ata kumakain ang mga yan dahil sa kanya."

The Runaway Bride (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon