Thea Sebastian
Pakiramdam ko nagpipigil lang si Ellyse. Kapag naghahalikan kami walang doubts, may feelings siya sa akin. Hindi man ganon kalalim pero alam ko meron. Hindi niya maitatago sa akin yon.
Pero paano ko ba siya mapapaamin sa nararamdaman niya? Lagi pa rin niyang itinatanggi ang feelings niya at hindi ko siya pwedeng pilitin na umamin. Pero konting himas pa. Bibigay din siguro siya.
Paglabas ko ng room, nakita ko siya na nakasimangot. Napapangiti ako dahil kahit anong ekspresyon ng mukha niya ay maganda pa rin siya.
"Ang aga-aga nakasimangot ka na. Ngumiti ka kasi mas charming kang tingnan kapag nakangiti ka."
"Kainis kasi Thea, ang lakas ng menstration ko. Ang sakit ng puson ko."
"Kaya naman pala nakasimangot ka. May pads ka ba? Kung wala ibibili kita."
"Meron pa, salamat. Magbanyo muna ako kailangan ko nang maligo."
"Okay."
Mabilis siyang pumasok sa banyo pero bago pa niya maisara ang pinto ay tinawag ko ulit siya.
"Ellyse!"
"Yes?"
"Ahm, magpahinga ka muna at huwag ka muna magtrabaho. Mahirap kapag masakit ang puson mo, huwag mong pilitin."
"Okay lang Thea, kaya ko 'to."isinara na niya ang pinto.
Hay, si Ellyse na ata ang may pinakamatigas na ulo. Hinintay ko siyang matapos na maligo kasi susunod ako. Nandito lang ako sa sofa naka-upo. Mga thirty minutes din ang itinagal niya sa banyo. Paglabas niya nakaligo na siya. Nakatapis lang siya ng towel.
"Thea, maliligo ka ba?"
"Oo."
"Sige, tapos na ako. Ikaw na."
Paglapit ko sa kanya naamoy ko agad siya.
"Ang bango mo naman Ellyse."
Napangiti siya.
"Thea, wait lang."
Natigilan ako nong hawakan niya ang mga braso ko at dumikit siya sa akin. Nagtataka ako kung bakit niya inilapit ang mukha niya sa leeg ko.
"Kahit hindi ka pa naliligo mabango ka pa rin Thea at yan ang gusto ko sa isang tao."
Hindi ako nakapagsalita. Pero ang mga tingin ko ay nakatuon sa mga labi niya.
"Ellyse..."
"Mhm?"
Natutukso akong halikan siya pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Maliligo na ako para mas lalo akong bumango."
"Oh okay. Sige na."nakangiti niyang sagot.
Naligo na ako at kasabay ng pagligo ko ay ang pag-imagine sa mga labi niya. Pagkatapos, ay naabutan ko siya na nagsusuot ng apron.
Parang nahihirapan siyang itali sa likuran niya dahil nadudulas sa kamay niya ang strap ng apron kaya nilapitan ko siya at ako na ang nag-ayos.
"Ako na, Ellyse."
Napakabango talaga niya. Nakakaakit dahil amoy na amoy ko ang mabangong shampoo sa buhok niya.
Itinali ko na ang apron na suot niya.
Nanatili ako dito sa likuran niya habang pinagmamasdan siyang nagtatali ng buhok. Kahit batok niya nakakamanghang pagmasdan, parang ang sarap halikan.
"Thea thanks, okay na ako. Pwede na ako magsimulang magtrabaho."
BINABASA MO ANG
The Runaway Bride (GXG) ✔
Storie d'amore[Completed] Mature content | SPG | R-18 | Girl Love Simple lang ang buhay ni Thea Sebastian na umiikot sa maliit na negosyo, pamilya at mga kaibigan. Chill lang ito kahit madalas siyang tuksuin dahil mukhang hindi pa ito totally nakamove on sa ex ni...