Ellyse Villareal
Biro ko lang yon sa kanya na babayaran niya ang over time ko. Pero ang totoo, I'm happy na makita siyang happy.
"Syempre babayaran ko ang over-time mo. Pinagpaguran mo to, eh."sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko. Nakatitig lang siya sa akin, expressive ang mga mata niya. Masaya sa pakiramdam na kasama siya at sa kanya ko lang naramdaman na malayo ako sa reality ko. Kung panaginip lang ito parang ayaw kong magising. I want to stay here....with them.
Hindi ko na napansin na wala na sa harap ko si Thea dahil sa pagkatulala ko.
"Ituloy na lang ulit natin to bukas. Hayaan na lang natin matuyo yong mga gamit diyan. Akyat na tayo." Sumunod na ako sa kanya. Pagod pero masaya ang pakiramdam ko.
"Bukas ulit, Thea."
"Yeah, bukas ulit Ellyse." Pakiramdam ko ngayon lang nagkasense ang buhay ko, I was able to help her sa kanyang negosyo. Waitress is hard work, but it can be very fulfilling pala.
Pumasok na ako sa aking room after ko maligo, siguro tulog na siya. Tahimik na sa kabilang room. Plywood lang kasi ang pagitan ng mga rooms namin.
Kinabukasan, kagaya ng unang araw ng pagbubukas ng boss chic, marami rin customers. Pero atleast alam na namin kung paano ihandle ngayong second day yong ganitong karaming tao.
Habang nagseserve ako ng orders, merong isang babae ang naka catch ng attention ko.
Diretso siyang naglakad papuntang counter."Tam! Si Thea?"
"Uy, Kalie! Long time no see, ah."
"Oo nga eh, si Thea andito?"
"Ay naku busy, kita mo naman punong puno kami." Napansin kong inilibot niya ang kanyang tingin dito sa loob ng restaurant at hindi sinasadyang magkatitigan kami.
"Tam, sino yon?" Alam ko namang ako ang tinutukoy niya.
"Ah si Ellyse, bagong kaibigan." Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa saka ibinalik ang tingin niya kay Tam. Hindi ko na lang siya pinansin. Kahit napaka bastos nong ginawa niya na tingnan ako mula ulo hanggang paa. Parang sinasabi niyang ang low class ko.
"Sige babalik na lang ako sa susunod. Pakisabi na lang kay Thea na dumaan ako at hinahanap ko siya."
"Sige, Kalie." Tumingin ulit ito sa akin bago lumabas. Parang hindi siya friendly. Parang nakakatakot yong awra niya. Paglapit ko kay Tam, saka naman ang paglabas ni Thea mula sa kusina.
"Thea, may naghahanap sayo kanina."
"Sino?"
"Sino pa, eh di yong ex mong si Kalie." Napatingin ako kay Thea at ganon din siya sa akin. Tama ba yong narinig ko? Ex niya si Kalie? Wait lang...nagpaprocess pa sa utak ko yong narinig ko.
Babae? How come?
"Sabihin mo wag na siyang bumalik."
"Sus parang kailan lang iniiyakan mo at nagpapakalango ka pa sa alak."
"Magtigil ka na nga, para kang sira." Tumalikod na siya at pumasok ulit sa kusina. Bumalik na rin ako sa ginagawa ko.
Habang nagseserve ako ng food sa mga customers. Hindi ko maiwasan magisip about Thea, ex pala niya si Kalie.Pagkatapos ng nakakapagod na trabaho. Tahimik lang ako habang naglilinis, si Tam at Yesa naman ay nakauwi na.
"Ellyse, about kanina. Yong si Kalie, pasensya ka na baka pinakitaan ka ng kagaspangan. Hindi ka pa kasi kilala non. Sorry kung sakali man."
"Ex girlfriend mo ba talaga siya?"
"Yeah."
"Oh." Tumango tango ako. Honestly hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Si Tam, yeah nabanggit sa akin na may GF siya pero okay lang sakin, hindi siya katulad ng kay Thea na nagulat talaga ako.
BINABASA MO ANG
The Runaway Bride (GXG) ✔
Romance[Completed] Mature content | SPG | R-18 | Girl Love Simple lang ang buhay ni Thea Sebastian na umiikot sa maliit na negosyo, pamilya at mga kaibigan. Chill lang ito kahit madalas siyang tuksuin dahil mukhang hindi pa ito totally nakamove on sa ex ni...