Ellyse VillarealISANG tawag ang natanggap ko mula kay Attorney Santiago. Sinagot ko ang tawag niya. "Yes, Attorney?"
"It's done, na-processed na ang transfer ng one hundred million sa personal bank account mo ngayon lang."
"Good. Salamat Attorney."
"Tungkol pala sa share mo sa kompanya. Sigurado ka ba sa desisyon mo na ibenta lahat ng iyon? Malaki pa naman ang chance mo na maging CEO, dahil maganda ang work experience mo sa America."
"Hindi ko pinangarap na maging CEO ng kompanya Attorney, lalo na sa kompanya ng pamilya ko. Gusto kong mabuhay ng simple at malayo sa kanila. Ayusin mo lahat at kung sino man ang interested na bumili ng shares ko ay kakausapin ko."
"Kung iyan ang nais mo Ellyse, masusunod. "
"Salamat, Attorney."
End of call.
Ibinaba ko muna ang cellphone ko sa center table at hinintay si Thea dito sa may kusina.
Ilang sandali pa ay nandyan na siya. Nag-igib kasi siya ng tubig para sa kusina at sa banyo.
"Thea, I have something to tell you. Pero bago iyon magpahinga ka muna. Mukhang pagod ka." Kinuha ko ang maliit na towel para punasan ang pawis niya.
"Hindi ako pagod. Ano yon, Ellyse?"
"Come here." Hinila ko siya rito sa may upuan na gawa sa kawayan, umupo kaming dalawa. ".....tanda mo ba nong umalis ako at nagpunta sa bahay ng mga magulang ko?"
Tumango siya.
"Oo, pagbalik mo dala mo na yang bagong sasakyan."
"Yeah, nabawi ko na lahat ng shares ko sa company na kinuha sakin ni Kuya Mico, kinuha kasi niya iyon kapalit ng information kung saan kita matatagpuan. Pinilit siya ni daddy na ibalik iyon sakin."
"Okay, mabuti naman kung ganon. Masyadong mapanglamang ang Kuya Mico mo."
"Yeah, you're right. May isang bagay pa akong sasabihin sayo. I'm sorry kung nagdecide ako nang hindi man lang nag-consult sayo about this, baka kasi hindi ka pumayag."
"Ano yon?"
"Kinausap ko silang lahat nong araw na iyon, ang sabi ko bayaran nila tayo ng isang daang milyon para hindi na natin i-akyat sa korte ang ginawa nilang pagpapahirap at pagtatangka sa buhay mo." Nakatitig lang siya sa akin at mukhang naghihintay pa nang susunod kong sasabihin. "....they deposited the exact amount na hiniling ko sa kanila, nasa bank account ko na yong pera at lahat ng iyon ay para sayo."
Umiling-iling siya.
"Ellyse, hindi ko yon matatanggap. Hindi dahil galing iyon sa pamilya mo, kundi gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa nang walang hinihinging tulong sa iba."
Tumango ako. Naiintindihan ko siya.
"Kung ayaw mong tanggapin iyon, just let me help. I'm not saying na hindi mo kaya mag-isa. I know you can. Pasensya ka na kung makulit ako, but I want to be with you along the way----all the way."
Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito.
"Thank you, Ellyse. At gusto ko lang malaman mo na pinatawad ko na ang pamilya mo, mula nang bumalik ka sa buhay ko nawala na rin lahat ng sakit na matagal kong kinimkim. Ikaw ang dahilan kung bakit madaling magpatawad ang puso ko."
Nag-iinit ang paligid ng mga mata ko.
"Thea, napakabuti mo talagang tao. Hindi ako nagkamali na mahalin ka."
BINABASA MO ANG
The Runaway Bride (GXG) ✔
Romance[Completed] Mature content | SPG | R-18 | Girl Love Simple lang ang buhay ni Thea Sebastian na umiikot sa maliit na negosyo, pamilya at mga kaibigan. Chill lang ito kahit madalas siyang tuksuin dahil mukhang hindi pa ito totally nakamove on sa ex ni...