Chapter 29

4.7K 184 8
                                    


Ellyse Villareal

Bumaba ako ng taxi at mabilis akong naglakad, hinahanap ko si Lance dito sa airport. Ngayon ang flight niya pabalik ng America. Nagpromise kasi ako sa kanya na makakapunta ako rito bago ang boarding niya.

Palinga-linga ako pero wala akong makitang Lance.

Naglakad ulit ako at hinanap siya.

"Ellyse, sweetheart!"

Napahinto ako at napalingon-----si Lance.

Mabilis siyang naglakad palapit sa akin saka niya ako niyakap ng mahigpit. Hinalikan niya ako sa noo saka siya ngumiti.

"I'm glad you came here. Akala ko hindi ka na makakarating."

"Pasensya ka na, napaka-traffic at late akong nagising."

"It's okay. Ang importante nakita kita bago ang flight ko."

Sa aktong ito, wala man lang akong maramdaman kahit konti para kay Lance. Kung ikukumpara ko ang feelings ko sa isang bagay ay para siyang stagnant water, hindi man lang umagos ang pagmamahal ko para sa kanya.

Wala akong ibang kayang gawin kundi ang yakapin siya ng mahigpit. Niyaya niya akong umupo.

"Have you visited Thea's grave?"

Tumango ako.

"Yes. At umiyak ako ng sobra. Alam mo Lance mukhang hindi ko kayang magpatawad."

Inakbayan niya ako at hinalikan ang buhok ko.

"It's all right. Siguro hindi pa ito ang right time para gawin iyon, dadating ka rin du'n. Okay?"

Tumango ako. Sana nga, magawa kong magpatawad not because they deserve forgiveness, kaylangan ko ng peace of mind para mabuhay ako ng normal.

Hindi ko alam kung bakit napakatyaga ni Lance na makinig sa mga sinasabi ko, na kung tutuusin puro malulungkot na bagay at puro pasakit lang ang naibabahagi ko sa kanya.

Pero ngumiti si Lance, napakaguapo ng taong ito. Perpekto ang itsura, sana dumating ang araw na mamahalin ko rin siya.

Ngumiti rin ako sa kanya.

Hanggang sa nagpaalam na siya.

"Sumunod ka sa States, sweetheart. Pagbalik mo roon magpapakasal na tayo at gagawin ko lahat para maging masaya ka sa piling ko."

Halos hindi ko magawang tumango. Posible ba yon? Magiging masaya ba ako sa piling niya?

"Okay. Mag-iingat ka lagi, Lance."

"Ikaw rin, sweetheart."

Nabigla ako nang siilin niya ako ng halik sa labi ko. Hindi na ako nakagalaw, hindi ako nakaimik hanggang sa bitawan niya ang labi ko.

Hindi naman ito ang first time pero lagi akong nagugulat kapag hinahalikan niya ako sa labi ko.

Kumaway pa si Lance. Ngumiti ako sa kanya saka ako tumalikod at umalis na.

....

AFTER ko manggaling sa airport, dumiretso ako rito sa restaurant nila Risi, nakaupo ako habang hawak ang straw at nilalaro ang toppings ng frappe na iniinom ko.

"Ellyse, ano yang ginagawa mo? Lalaruin mo lang ba yan?"

Tumigil ako sa ginagawa ko.

"Umalis na si Lance. Sabi niya pagbalik ko ng America, ikakasal na kami."

"O anong gusto mong gawin natin? Magsaya o magluksa?"

Napasimangot ako pero agad din akong napangiti. Inaasar ako ni Risi.

The Runaway Bride (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon