Chapter 28

5K 182 12
                                    


Ellyse Villareal

Kasama ko pa rin si Risi, nagda-drive siya ngayon. Galing kaming cellphone repair shop.

"Masaya na ang bata, para siyang binilhan ng bagong phone."

Napansin niya ang pagngiti ko kaya tinutukso niya ako. Matagal ko nang hindi nabuksan 'to. Siguro mga more or less three years na.

Nang mabuksan ko ang phone, nakita ko ulit ang mga pictures namin ni Thea. Karamihan dito ay noong nasa probinsya kami, sa tabi ng dagat at nagpapakain ako ng mga manok sa may niyugan.

May gumihit na namang kirot sa puso ko. Hindi ko napigilan ang maluha.

"Why? Bakit ka umiiyak?"

Iginilid ni Risi ang sasakyan saka niya hinagod ang likod ko.

"Miss na miss ko si Thea. Tingnan mo buhay na buhay siya rito."

Pinanood niya ang video namin ni Thea.

"Masayang masaya ka rito, Ellyse."

Ngumiti ako pero naluluha pa rin ako.

"Pasensya ka na kung naging emotional ako."

"Ayos lang, ano ka ba. Saan mo gustong pumunta? Ako muna ang personal driver mo."

Huminga ako ng malalim.

"Sa bahay ng mga magulang ko."

"Sure ka na ba, handa ka na bang makita ulit sila?"

Tumango ako.

Nagmaneho ulit siya at nakarating kami rito sa tapat ng bahay ng mga magulang ko.

Nasilayan ko na naman itong malaking gate, pinindot ko ang doorbell at ang nagbukas ay si Manang Gloria, siya yong nagbigay ng charger sa akin noon. Siya rin yong patagong bumibili ng bagoong at singkamas.

"Ma'am Ellyse! Buti naman po at napadalaw kayo. Ang tagal niyo pong hindi umuwi rito."

"Oo nga po, Manang."

Napatingin ako sa kabuuan ng mansyon. Apat na taon na ang lumipas at sa gate na ito ko huling nakita si Thea. Hanggang ngayon guilty ako sa mga nangyari, nagawa ko pang saktan ang damdamin niya nang gabing iyon nang sabihin kong hindi ko siya mahal.

Mula umalis ako ng Pilipinas ngayon lang ulit ako nakabalik rito sa bahay na ito. Nakapagtrabaho ako sa isang magandang company sa America sa tulong ni Lance. Noong una halos mamatay ako sa lungkot at pangungulila kay Thea. Pero nang lumaon natuto akong yakapin ang buhay roon at naging matibay ako.

"Manang, wala atang mga guardya rito ngayon? Nasaan ang mga tauhan ni Dad?"

"Ako na lang po at isang nurse ang natira rito, Ma'am. Mula nong magkasakit si Sir, hindi na naasikaso rito."

"Kaya pala ang dry tingnan ng paligid."saad ko.

Kung dati puno ng mga tauhan ni dad ang bahay na ito ngayon wala na itong kabuhay-buhay. Marami na palang nagbago rito.

"Kumusta sila Dad at Mom, at ang mga Kuya ko, Manang?"

"Nasa kwarto po si Sir at si Madam. Si Sir Mico po, madalang umuwi rito at si Sir Ross naman po ay isang taon na ring hindi dumadalaw."

Pumasok na ako ng bahay, tila nakamamatay ang katahimikan dito sa loob.

"Nandito sila, hija."

Naiwan sa sala si Risi.

Sumunod naman ako kay Manang, dumirecho kami sa kwarto ng mga magulang ko at nang buksan niya ang pinto ay natigilan ako.

Una kong nakita si Mom.

The Runaway Bride (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon