Chapter 39

4.7K 185 6
                                    


Ellyse Villareal

Nandito pa rin kami sa kama, parehong nakahiga, magkaharap at magkatitig.

"Bakit ka pa bumalik dito sa Pilipinas, Ellyse? Di ba maganda na ang buhay mo sa America?"

Maganda nga ang pamumuhay ko sa bansang iyon pero wala akong peace of mind, at laging may kulang sa akin.

"Kung hindi ako bumalik dito hindi ko malalaman na buhay ka pa."

"Talaga? Hindi ka ba nagtaka na hindi kita minulto noon?"

Nakagat ko ang lower lip ko dahil gusto kong matawa.

"....takot ka sa multo di ba?"

"Yeah."sagot ko.

"Paano kung multo pala ako. May katabi kang multo ngayon."

"Huwag mo akong takutin."

Dumikit ako sa kanya.

"....hindi ka pwedeng maging multo Thea. Ayoko."

"Oh sige na, sleep ka na. Sa sofa na lang ako matutulog."

"No, dito ka na lang matulog."protesta ko.

Pinigilan ko agad siya.

Kanina iniwasan ko siya, tapos sumunod siya sakin. Ngayon, lalayo naman siya. Sobrang gulo naming dalawa. Ang hirap kasi kapag hindi magkasintahan, puro panakaw ang lahat nang ginagawa.

Nadaragdagan nang nadaragdagan ang guilt ko, pero di bale na.

".....dito ka na lang please."

"Sigurado ka?"

"Yeah."

"Baka kasi itulak mo na naman ako at pigilan kapag ginawa ko yong balak ko sayo."

Napangiti ako.

"What if hindi ko gawin ngayon?"

Isang seryosong tingin ang ibinigay niya sakin saka siya humiga ulit dito sa tabi ko.

"Huwag ka mag-alala hindi na ako a-acting na parang rapist. At eto ang unan, ilagay ko sa pagitan natin para hindi ka matakot na gawan kita ng masama."

"Serious?!"reaksyon ko.

"Uh-huh."sagot niya.

Baliw talaga itong si Thea. Siya pa ang naglagay ng unan sa pagitan namin.

"Iniisip mo ba na pagsasamantalahan kita, Thea?"

"Iniisip ko lang ang kapakanan mo. Baka anong magawa ko na naman sayo."

Tumalikod na siya.

Ilang minuto lang ang lumipas narinig ko na ang malalalim niyang hininga. Mukhang nakatulog na siya. Goodluck sakin, sana makatulog din ako.

Sleep...sleep....paulit-ulit kong saad sa sarili ko at tila nahi-hypnotize ako. It was not very long nang makaramdam ako ng sobrang antok at pagbigat ng talukap ng mga mata ko.

...

NAGISING ako at napamulat ako ng mga mata. Nakatapat ang mukha ko sa leeg ni Thea. Wala na rin yong unan sa pagitan namin at nakayakap ako sa kanya.

Madilim pa sa labas ng bintana.

Nalanghap ko ang mabangong amoy ng balat niya. Naghahalo ang amoy ng perfume at natural scent ng balat niya. Hindi ito pang femenine na scent parang unisex but I liked it. Hindi gaanong matapang gaya ng ibang perfume.

Naririnig ko ang kanyang paghinga. Ang katawan namin ay magkadikit na magkadikit, nakaunan ako sa braso niya kaya masarap sa pakiramdam.

Mula sa leeg niya ay dahan dahang umangat ang aking tingin sa mukha niya. Pero laking gulat ko nang makita kong gising siya at nakatitig siya sakin. Mukhang kanina pa niya ako tinititigan.

The Runaway Bride (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon