Ellyse Villareal
Nagresigned ako via e-amail at tumawag na lang ako sa company sa America para i-confirm ang resignation ko. Yong mga gamit na naiwan ko roon ay ipinapull-out ko sa may-ari ng apartment, karamihan doon ay mga damit pang-opisina lang, walang importante.
Babalik ako roon para ayusin ang mga bank accounts na naiwan ko. May mga pera pa kasi akong naiwan doon na naipon ko sa pagtatrabaho sa company.
Sa ngayon, mag-i-enjoy muna ako kasama si Thea. At kung babalik man ako ng America gusto ko kasama siya. Kung saan ako magpunta dapat naruroon din siya.
Nakasandal ako dito sa gilid ng maindoor, pinagmamasdan si Thea. Seryoso na naman itong nakatitig sa sira niyang motor.
Napakatyaga talaga ng taong ito. Ayaw niyang i-let go ang motor niya.
"Ayaw mo ba talagang tigilan yan, Thea? Mas iniisip mo pa ata yan kesa sakin."
Napangiti siya saka siya timingin sakin.
"Titigilan ko na. Akala ko kasi maayos pa, kapag pinalitan ko ang mga sirang parts nito malaki rin ang magagastos kaya tama na, ikaw na lang ang iisipin ko dahil ayokong nagtatampo ka."
Nilapitan niya ako saka niya ako dinampiin ng halik sa noo ko. Yumakap naman ako sa bewang niya. Wala sa akin kung makita man kami ng ibang tao na dumaraan dito sa tapat ng bahay. Basta masaya ako na kasama ko ang taong ito.
"Maghanda ka na ng mga gamit mo dahil pupunta tayo sa probinsya."
"Now na?"
"Yes. Now na."
Na-excite ako sa sinabi niya. Kaya pumasok agad ako ng room at kinuha ang bag ko.
"Thea, makikita ko ulit ang dagat. Yong lugar kung saan tayo nagsimula na para tayong totoong mag-asawa."
"Uyy, tini-treasure niya ang memories."
Napangiti ako.
"Naman! Memorable ang lugar na iyon para sakin dahil doon ko isinuko sa iyo ang lahat. Tama ba ako?"
"Yeah right, tanda ko rin naman lahat ng iyon. Kaya bilisan natin mag empake."
Sabay kaming nagaayos ng gamit dito sa kwarto.
"I'm ready."saad ko nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko, nakapagbihis na rin ako. Kahit siya tapos na rin.
"Yong laman ng refrigirator kukunin natin lahat dahil papatayin ko ang main switch ng ilaw habang wala tayo rito."
"Okay."sagot ko saka ko siya tinulungan na maglagay ng mga karne at isda sa ice box. Ang mga prutas at gulay ay nilagay naman namin sa basket.
"Masisira kasi itong mga gulay at prutas kung iiwanan natin dito."saad niya.
"Yeah, you're right. At bawal magsayang ng pagkain."
Nagiging masaya ako sa mga simpleng bagay na ginagawa namin ngayon. Sa tagal kong tumira sa America, ni hindi ko man lang naramdaman ang saya kagaya nito. Kung hindi ako umuwi rito, baka hanggang ngayon puro ala-ala lang ni Thea ang naiisip ko. Hindi katulad ngayon, kasama ko siya, nakikita at nahahawakan.
"Thea..."
Yumakap ako sa kanya dahil hindi ko mapigil ang maging masaya. Naluluha na naman ako. Hindi ko mapigil ang maging emosyonal.
"Ellyse, umiiyak ka ba?"
"Dahil masaya ako."
Naglaan siya ng kaunting space sa pagitan namin saka niya hinawakan ang mga pisngi ko.
BINABASA MO ANG
The Runaway Bride (GXG) ✔
Romance[Completed] Mature content | SPG | R-18 | Girl Love Simple lang ang buhay ni Thea Sebastian na umiikot sa maliit na negosyo, pamilya at mga kaibigan. Chill lang ito kahit madalas siyang tuksuin dahil mukhang hindi pa ito totally nakamove on sa ex ni...