Chapter 42

7.5K 197 10
                                    


Thea Sebastian

Kagigising ko. Ilang araw na akong hindi nakapasok sa trabaho. Buti na lang naiintindihan ako ni Yulie. Hindi pa niya ako tinatanggal sa trabaho ko.

Bumangon na ako at umupo rito sa gilid ng kama. Hinayaan ko muna ang sarili ko na kumalma, ilang araw na rin kasi akong hindi makakain ng maayos kaya nanghihina ako. Pero kailangan kong magpatuloy. Kailangan kong mabuhay. May pangarap pa ako na makapagpatayo ng sarili kong negosyo.

Makakalimutan ko rin siya balang araw. Ang importante, maayos naman kaming naghiwalay. At walang galit na naiwan sa puso ko. Lungkot lang...matinding lungkot.

Lilipas din siguro ito.

Lumabas ako ng kwarto pero natigilan ako nang makita ko kung sino ang nandito sa loob ng bahay habang nagpapalit siya ng kurtina. Nakatayo siya sa may upuan habang abala siya sa ginagawa niya.

Nakasuot siya ng sando na kulay white at maong na shorts.

"Thea, gising ka na pala. Bumili ako ng bagong kurtina kahapon kasi naisip kong palitan ang mga kurtina mo. Masiyado kasing madilim itong bahay mo. Light colors ang binili ko. Tsaka sobrang alikabok na ng mga ito."masigla siya.

Namamalikmata ba ako? Nananaginip?
Anong ginagawa niya rito?

"Ellyse...."

"Oh bakit para kang nakakita ng multo?"nakangiting tanong niya. ".... Ayy!"

Mabilis akong kumilos para hawakan siya. Buti nalapitan ko agad siya. Muntik siyang mahulog sa upuan na kinatatayuan niya. Hawak ko ang mga legs niya hanggang sa umayos siya ng tayo.

"Dahan-dahan lang. Ano bang nakain mo bakit ka nagpapalit ng kurtina?"

"Eh kasi madilim itong bahay mo, ayoko ng madilim."

Nakatitig ako sa kanya, nang matapos siyang magpalit ng kurtina ay inalalayan ko siyang bumaba sa upuan, saka naman niya kinuha ang mga lumang gamit na nakatambak sa sala.

"I-let go mo na itong mga lumang gamit mo. Kagaya nitong TV na mukhang hindi na gumagana. Saka itong mga boxes, itapon na natin. Para umaliwalas ang loob ng bahay mo."

Pinapanood ko siya habang isa-isa niyang inilalabas yong mga luma at sirang gamit.

Nahihiwagaan naman ako.Pagkatapos nu'n, kinuha niya ang plastic na may laman na mga groceries.

".....nag-grocery na rin ako ng mga gulay at prutas para malagyan itong refrigirator, puro kasi tubig at frozen food ang laman nito."

Ano ba ang nangyayari? Hindi ba't nagpaalam na siya na aalis na. Bakit nandito siya?

"Akala ko nasa US ka na?"

Saglit siyang huminto sa ginagawa niya saka niya ako hinarap.

"Nagbago ang isip ko. Bakit, ayaw mo ba akong makita rito sa pamamahay mo?"

Napakunot noo ako dahil kakaiba ang mga ikinikilos niya.

"Bakit nagbago ang isip mo? Ibig ba sabihin hindi ka na babalik sa US?"

Itinuloy niya ang ginagawa niyang pagsasalansan ng mga gulay at prutas sa ref.

"Babalik, baka mamaya babalik na ulit ako sa US."

"Ahhh...."

Akala ko naman nagbago na ang isip niya at hindi na ulit siya aalis. Hindi ko na lang siya pinansin nilampasan ko siya para pumunta ng banyo.

"Ano naman sayo kung bumalik ako sa US? Di ba okay lang naman sayo na magpakasal ako sa iba? Okay lang sayo na maghiwalay ulit tayo at hindi na magkita pa."

The Runaway Bride (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon