Chapter 36

3.8K 174 16
                                    

Thea Sebastian

"Uyy, mukhang may namimiss siya."pang-aasar sakin ni Tam.

".....si letter E ba yan? Ayiiiieeee. Lalong gumanda si Ellyse 'no?"

Tumango ako. Totoo naman, eh.

"...yan tayo eh! Kinikilig tuloy ako. Come back na ba ng love story niyo iyan?"

Parang tanga tong si Tam, niyuyugyog ang mga balikat ko.

"Tigilan mo nga ako Tam!"

"Kaya naman pala hindi mo pa jino-jowa si Yulie kasi naghihintay ka ng come back ni Ellyse yiiieeee!"

"Sira-ulo ka. Hindi ka ba mali-late sa trabaho niyan?"

"Hindi, maaga pa. Iniiba mo ang usapan, eh. Aminin mo na kasi. Mahal mo pa si Ellyse? Siya pa rin ang tinitibok tibok ng puso mo!"

Napakamot ako sa ulo. Mula pa kanina, ganyan na siya. Inaasar niya ako.

Hindi ko siya masyadong pinapansin dahil naghahanda ako para sa pag-pasok ko sa trabaho, kaso tinatamad ako. Wala talaga akong ganang pumasok. Kaso hindi ako pwedeng umabsent dahil nag-iipon ako ng pangsimula ko ng sarili kong negosyo.

Dalawang araw na ring walang paramdam si Ellyse. Hindi ko alam kung magpapakita pa siya o hindi na.

"Umalis ka na nga baka ma-late ka pa."

"Oo aalis ako pero gusto ko munang humingi ng paumanhin sayo at kay Ellyse dahil sa inasal ni Yesa. Pagpasensyahan mo na siya nu'ng nakaraan, ha? Alam mo naman ang bibig nu'n ratatat parang armalite nakakarindi, minsan gusto ko ng isungalngal sa bibig niya 'tong suot kong medyas."

Tumango ako at tinapik ang balikat niya.

Ang tinutukoy niya ay yong naabutan ni Yesa si Ellyse dito sa bahay at  pinagsalitaan niya ng di maganda.

"Nag-usap na kami ni Ellyse ng maayos."

"Kung ganon may pag-asa bang magkabalikan kayong dalawa?"

Natigilan ako. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya. Pero may part pa rin sa puso ko na hinahanap-hanap nito si Ellyse.

".....naku-naku makaalis na nga. Magkita nalang ulit tayo sa susunod Thea."

Tumango ako at lumabas na siya.

Hinahanda ko ang motor ko pero hindi pa ako nakakaalis nang marinig ko ang pagparada ng kotse dito sa tapat ng bahay.

Pamilyar ang kotse at lumabas ang sakay nito------walang iba kundi si Ellyse. Hindi ko maikakaila sa sarili ko na may kakaibang saya akong naramdaman nang makita ko siya.

"Thea, papunta ka na ba ng work mo?"

"Ah Oo. May nakalimutan ka ba kaya ka bumalik dito?"

Napangiti siya.

"Bakit? Hindi ba ako pwedeng pumunta rito kahit wala akong nakalimutan?"

Parang may kung ano sa dibdib ko na umaasa na sana ako ang dahilan nang pagpunta niya rito. Kaso baka naman mamaya may naiwan lang siyang gamit kagaya nu'ng nakaraan.

"Ah pwede naman, pasok ka muna sa loob. Pupunta rin ako ng work ko."

"Okay, goodluck sa work mo. Stay muna ako rito, ha?"

"Sure."walang pag-aalinlangan na sagot ko.

Napansin ko na pinipilit niyang pihitin ang doorknob kaso naka-locked nga pala ang pinto.

"Wait lang Ellyse."

Kinuha ko ang susi sa bulsa ko.

".....kunin mo itong duplicate."

The Runaway Bride (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon