Chapter 16

6.9K 241 10
                                    

Ellyse Villareal

Nandito kami sa palengke ni Thea. Bumibili ng mga gamit na kakailanganin namin sa bahay-kubo. Limang araw bago natapos ang pinagawa niyang kubo para sa aming dalawa. Feeling ko asawa ko na siya. May sarili na kaming bahay-kubo at kahit saan niya ako dalhin sasama talaga ako sa kanya.

May mga binili kaming gamit para sa kusina at banyo. Bumili rin kami ng mga unan at kumot, may foam pa. Nagkasya lahat ng mga pinamili namin sa likod ng sasakyan niya. Mga basic needs lang ang pinamili namin.

Nasa byahe na kami pauwi.

"Thea, baka naman ubos na yong pera mo ang dami mo ng gastos dahil sa akin. May natatago pa ako rito, yong ibinigay mo na sweldo ko. Marami pang natira."

"Itago mo lang yan, may pera pa ako rito at kapag nangailangan tayo papadalhan na lang tayo ni Tam."

"Thea, para na tayong mag-asawa."

Gusto kong maiyak kahit sa maiksing panahon gusto kong maramdaman kung paano maging asawa ni Thea. Pagsisilbihan ko rin siya.

"Asawa mo na ako mula ngayon."

"Talaga?"

Tumango-tango siya. Napangiti ako habang tinititigan siya.

Nagpark siya dito sa tabi ng kubo. Siguro mga fifty meters din ang layo nito sa bahay ng Tita Grace niya.

Pagpasok ng Kubo nasa kaliwa ang bed, nasa kanan ang mahabang upuan na gawa sa kawayan. Sa bandang dulo nandon ang dining, lababo at banyo. Masaya ako kahit sa simpleng bagay lang kagaya nito. Hindi ko ito ipagpapalit sa ano mang yaman sa mundo.

"Thea, gusto kong matutong magluto ng mga ulam tsaka kanin sa kaldero kagaya nong ginagawa ni Tita Grace."

Sa Manila kasi Rice cooker ang gamit, dito kaldero.

Kapag nasa Manila kami si Yesa ang taga luto ng lunch at dinner namin at don kami kumakain na apat sa store. Madalas sa breakfast coffee at bread lang, pag heavy breakfast sigurado si Thea ang maghahanda non para sa aming dalawa. Gusto kong matuto ng iba pa para mapagsilbihan ko siya

"Sige, tuturuan kita, dito ka muna dahil mag-iigib ako ng tubig para sa banyo at lababo."

Lumabas siya dala ang dalawang timba.

Nagsimula naman akong maglagay ng pillow case cover at bedsheet para dito sa foam.

Semento ang sahig kaya hindi ko problema ang alikabok. Umupo muna ako at may kung anong tanong ang nabuo sa isip ko.

Ano kaya ang nagpabago sa isip ni Thea bakit kami nag extend dito? Hindi kaya, alam na niya na may naghahanap sa akin?

"Ellyse, maligo ka na, eto na yong tubig. Ako muna magluto mamaya para sa hapunan natin."

May pintuan sa tabi ng lababo, kaya doon siya pumasok.

"Sige."sagot ko.

Nakailang balik siya para punuin ang malaking container sa banyo.

Kinuha ko yong towel at pumasok na ako ng banyo. Naligo na ako. Sobrang lamig talaga ng tubig dito sa province. Nakatapis ako paglabas ko ng banyo, nagluluto naman siya.

Dumikit ako sa likod niya at yumakap ako sa kanya.

"Anong niluluto mong ulam natin?"

Bahagya siyang napalingon sa akin saka niya ibinalik ang tingin sa niluluto niya.

"Tawag dito ay sarsyadong isda. Prinitong isda, saka iginisa sa kamatis at nilagyan ng scrambled eggs."

"Mukhang masarap 'yan."

The Runaway Bride (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon