Ellyse VillarealHawak ko ang mga bulaklak na ibinigay sa akin ni Thea. Naalala ko ang usapan namin kagabi. Medyo nalasing ako noon dahil sa wine pero tanda ko lahat nang napag-usapan namin.
"Nagka-boyfriend ka na ba?"
"What happened? Iniwan ka ba o ikaw ang nang-iwan? O baka naman hindi pa kayo hiwalay?"
"How old are you, Ellyse?"
"....your last name?"
Lahat ng iyan ay sinagot ko ng totoo. Ang dami niyang gustong malaman tungkol sa akin. At nasasaktan ako na hindi ko man lang masabi sa kanya ang lahat. Hindi ko masabi sa kanya na ako yong runaway bride na lumabas sa balita noon. Pero ngayon alam na niya ang buong pangalan ko. Ano pa bang dapat kong ilihim sa kanya?
"Ellyse, naisoli ko na kay Tita Grace yong scooter."
Natigilan ako sa pag-iisip nong lapitan niya ako.
"....sorry kagabi, ang dami kong tanong sayo."sabi niya saka niya ako hinila para umupo dito sa damuhan.
"Hindi ka ba mag-so-sorry sa pangbibitin mo sa akin kagabi, Thea?"
Tinaasan ko siya ng isang kilay ko.
"Ay sorry din pala sa ginawa kong iyon."
Pareho kaming napangiti. Kainis! Hindi ko ata kayang magalit sa taong ito.
Nandito kami sa labas ng kubo, magkatabi habang nakaupo dito sa damuhan. Nakatanaw kami sa karagatan.
Huminga ako ng malalim saka ako tumingin sa kanya. Nakatitig din pala siya sa akin.
"Thea, ang favorite color ko ay white, mahilig ako sa love songs, gusto ko yong amoy ng bagong libro, takot ako sa ipis at sa gagamba, ang hobby ko ay magmukmok sa loob ng room ko."
Seryoso siyang nakatitig sa akin.
"....ngayon ko lang din nalaman na may masarap na pagkain kagaya ng kinilaw, at singkamas na may bagoong."
Napangiti na siya.
"So pwede na ba akong magtanong ng kahit ano, Ellyse?"
Saglit akong napaisip. Dapat pa ba akong maglihim sa taong mahal ko? Mukhang hindi na, obligasyon ko naman na sabihin sa kanya ang tungkol sa akin kaya sige na nga!
"Go ahead."
Hinawakan niya ang palad ko at pinisil ito.
"Bago mo ako makilala, anong type mo sa isang lalake?"
Napangiti ako at napapailing. Unang tanong iyon agad? Seryoso ba siya? Heart to heart talk na ba 'to? Mukhang lahat na ng tungkol sa akin ay malalaman na niya ngayon.
"Ahm, tanda ko may crush ako noon kaibigan siya ng eledest brother ko. Hindi naman ganon ka-guapo yong guy, tan ang color ng skin niya, matangkad at ang lakas ng dating niya kaso bandang huli nalaman ko crush pala niya yong Kuya ko."
Tawa kami ng tawa.
"Guapo pala ang mga Kuya mo?"
Tumango ako.
"Si Kuya Leon ang panganay kanang kamay siya ni Dad. Yong pangalawa si Kuya Mico, babaero yon. Si Ross ang bunso sa lalake, halos kaedad ko lang siya, ahead siya ng one year sa akin. Lahat naman sila habulin ng mga babae pero si Kuya Mico lang ang pumapatol sa lahat ng mga humahabol sa kanya pero syempre hindi alam ni Dad yon. Kaming magkakapatid lang ang nakaka-alam."
"Mga lahi pala kayo ng magaganda at guapo. Naka jackpot ako sa bunso ng mga Villareal."
Natatawa ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/318634421-288-k965685.jpg)
BINABASA MO ANG
The Runaway Bride (GXG) ✔
Romance[Completed] Mature content | SPG | R-18 | Girl Love Simple lang ang buhay ni Thea Sebastian na umiikot sa maliit na negosyo, pamilya at mga kaibigan. Chill lang ito kahit madalas siyang tuksuin dahil mukhang hindi pa ito totally nakamove on sa ex ni...