Chapter 37

3.8K 174 17
                                    


Thea Sebastian

Nilagyan ko na noon ng tuldok ang pagtibok ng puso ko kay Ellyse, pero na-realized ko ngayon na niloloko ko lang ang sarili ko. Nu'ng mahawakan ko at mahalikan ulit siya ay saka ko napatunayan sa sarili ko na hindi siya nawala sa sistema ko, kahit lumipas na ang ilang taon nananatili pa rin siya sa pinaka-malalim na bahagi ng puso ko.

Nasa malapit na ulit ang babaeng pinakamamahal ko.

"Mahal pa rin kita Ellyse..."sambit ko habang nakahiga rito sa kama ko.

11PM na pero hindi pa rin ako mapakali, nasa kabilang kwarto naman siya at baka natutulog na.

Nakakailang balikwas na ako.

Medyo mainit pa naman ngayon, walang aircon ang mga kwarto kaya hindi ko alam kung okay ang tulog niya sa kabila.

Bumangon ako para uminom ng tubig dahil nauuhaw ako. Paglabas ko ng kwarto hindi ko inaasahasan na makikita ko siya sa kusina, nakabukas ang refrigirator at umiinom siya ng tubig. Hindi ata niya napansin ang paglapit ko sa kanya.

"Ellyse...."

"Ayyy!"napasigaw siya sa gulat. Muntik pa niyang mabitawan yong baso na hawak niya.

".....Thea! Papatayin mo ba ako sa gulat!"

"S-sorry."

Pawis na pawis siya. Kahit sando na manipis ang suot niya at shorts na maiksi mukhang init na init pa rin siya. Hindi na ako magtataka dahil alam ko sanay siya sa aircon. Tsaka galing siyang America, sigurado akong malamig doon.

"......okay ka lang ba?"

"Sobrang init."sagot niya.

Nilapitan ko siya.

"Pasensya ka na walang aircon ang mga kwarto."

"It's okay. Kaya ko naman, nauhaw lang ako."

Kumuha rin ako ng baso at nakisalo sa kanya sa pag inom dito sa harapan ng ref. Hinayaan namin na nakabukas ito para malamigan kami.

"Gusto mo bang magstay na lang sa hotel para malamigan ka?"

"No. Okay lang ako rito. Iba lang kasi yong init ngayon di gaya nong mga nakaraang gabi na tolerable yong init."

Nahihiya tuloy ako sa kanya.

Nung medyo okay na siya isinara na niya ang ref.

".....medyo nalamigan ako. Buti na lang malamig yong tubig balik na ko sa room, Thea."

"Okay sige."

Naglakad na siya patungo sa kwarto niya. Nakasunod naman ako sa kanya at sinilip ang loob. Kaya naman pala super init ng kwarto niya dahil nakasara ang mga bintana.

"Ellyse, buksan mo yong dalawang bintana para mag-circulate yong hangin diyan sa loob."

"Ayoko baka may kumalabit sakin."

Natatawa ako sa sinabi niya.

"Huwag ka matakot. Walang kakalabit sayo diyan. May grills naman, walang papasok diyan."

"No. Ayoko talaga. Paano kung may multo?"

"Naniniwala ka sa multo?"

"Oo naman."

"Paano ka makakatulog niyan kung walang natural air na papasok dito sa loob ng room mo?"

Saglit siyang nanahimik. Mukhang nahihirapan din siya sa init. Iba talaga ang init ngayon.

"Thea, bubuksan ko yong bintana pero pwede bang samahan mo na lang ako rito?"

Napalunok ako. Gusto niyang samahan ko siya?

The Runaway Bride (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon